IQNA

16:49 - August 07, 2018
News ID: 3000013
TEHRAN (IQNA) – Isang taunang kampo ng araw para sa mga mag-aaral na Muslim na Ruso ang nagbukas sa rehiyon ng Saratov malapit sa Volga.

 

Ang kampo na pang relihiyon at libangan para sa mga batang Muslim na Ruso mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ay nagbukas nitong Miyerkoles.

Ang mga lalaking dumadalo sa kampo ay sumasali sa mga aktibidad sa palakasan, mga paglalakad at iba’t-ibang kaganapang pang-kultura.

Bukod sa iba pang mga bagay, mayroon rin silang mga aralin sa pagbabasa at pagbigkas ng Qur’an, mga aral na pang-relihiyon, mga Hadith at etika.


May kabuuang 210 na mga lalaki mula 7 hanggang 14 na taong gulang ang nagtipon sa kampo ngayong taon.


Isang katulad na taunang kampo para sa mga babaeng Muslim ang isasagawa sa parehong lugar sa Agusto.


Mayroong humigit-kumulang na 25 milyong Muslim ngayon sa Rusiya, na tumaas ng 40 porsiyento mula 1989.


Sa 2020, base sa patuloy na tulin ng paglago nito, ang kuwenta ng mga Muslim ay magiging 1/5 ng kabuoang populasyon.

http://iqna.ir/fa/news/3734469

Name:
Email:
* Comment: