IQNA

17:04 - August 07, 2018
News ID: 3000019
TEHRAN (IQNA) – Mga kabataan mula sa minoryang Muslim na Turko ng Kanlurang Thrace ng Gresya ay mag-aaral ng Qur’an sa kanlurang probinsya ng Edirne sa Turkey sa loob ng isang buwan.

Isang kabuuan ng 63 na kabataan mula sa mga probinsya ng Komotini at Xanthi sa hilagang-silangan ng Gresya ang dadalo sa isang programang pinapatakbo ng pinakamataas na awtoridad na pangrelihiyon ng Turkey, na tinatawag na Diyanet.


Ang mga bata ay makakabisita rin sa mga makasaysayang lugar sa mga lungsod na Edirne, Istanbul o Bursa ng Turkey, ayon sa ulat ng Anadolu Agency.

Sa unang araw ng programa noong Martes, nakipagkita ang mga estudyante sa mufti (pinakamataas ng kleriko ng mga Muslim) ng Edirne na si Emrullah Uzum.


Sa kanyang panayam sa mga mamahayag, sinabi ni Uzum na magbibigay sila ng edukasyong pangrelihiyon sa mga bata, pati na tungkol sa kultura ng Turkey.

 

Ang kanlurang rehiyon ng Thrace ng Gresya ay tahanan ng minoryang mga Muslim na Turko na nabibilang sa 150,000 na katao.

http://iqna.ir/en/news/3466298

Name:
Email:
* Comment: