IQNA

17:07 - August 07, 2018
News ID: 3000020
TEHRAN (IQNA) – Nabuo ang kurso salamat sa Pambansang Sentro ng Agham ng Qur’an

Nagbuo sa unang pagkakataon ang Pambansang Sentro ng Agham ng Qur’an  ng kurso ng pagsasanay para sa mga tagahatol sa seksyon ng mga kababaihan para sa mga paligsahan sa Qur’an.

 

Sinabi ni Raafe Al-Ameri, ang direktor ng Sentro ng Shia Oqaf ng Iraq,  na ang inisyatibang ito ay natapos noong ika-26 ng Hulyo, 2018, sa isang seremonya sa pagbigay ng mga katibayan.

 

Nagbigkas ng mga bersikulo mula sa Qur’an si Dalia Fazel, isang Iraqi na mambibigkas ng Qur’an sa umpisa ng seremonya. Sinabi niya na ang mga baguhan ay nakatanggap ng magandang pagsasanay.  Natutunan nila ang mga pandaigdigang panuntunan ng mga kompetisyon ng Qur’an at nakuha ang mga pamamaraan sa pagbasa ng Qur’an (Tajwid).  Ayon sa direktor ng Sentro para sa Qur’an, ang mga kursong ito ay napakahalaga ng importansya para sa pangkultura at pangsiyentipikong pag-unlad ng mga Qari o babaeng mambibigkas ng Qur’an sa pamamagitan ng pagturo ng mga pandaigdigang panunturan.

 

Natapos ang araw sa pamamahagi ng mga katibayan mula sa sentro.

http://www.iqna.ir/en/news/3466418

Name:
Email:
* Comment: