IQNA

17:16 - August 07, 2018
News ID: 3000022
TEHRAN (IQNA) – Ilang grupo ng mga naninirahang mga Israeli ang lumusob sa nayon ng Ourata sa hilagang West Bank, sa timog-silangan ng Nablus, (habang ang mga ito ay) protektado ng mga sundalo, at nagsagawa ng mga ritwal sa mga banal na lugar sa Islam.

Ilang mga nakasaksi ang nagsabi na hinawan mismo ng mga sundalong Israeli ang mga dadaanan ng mga naninirahan upang makapasok ang mga ito sa nayon at binakuran ang mga banal na lugar, iniulat ng Middle East Monitor.

Nagsagawa ang mga Israeli ng mga ritwal ng Hudyo sa mga dambana ng mga Muslim na nagpasiklab ng tensyon sa lugar.


Karaniwang pinoprotektahan ng mga puwersa ng mapanakop na Israel ang mga naninirahan na lumulusob sa mga banal na lugar ng mga Muslim sa naokupang West Bank  at East Jerusalem (Quds) pati na ang pang araw-araw na paglusob sa Moske ng Al-Aqsa.

 

Kamakailan lamang ng linggong ito, tatlong miyembro ng Knesset ng Israel ang sapilitang pumasok sa bakuran ng Moske ng Al-Aqsa pagkatapos pawalan ng bisa ng Punong Ministro na si Benjamin Netanyahu ang tatlong taong pagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno at miyembro ng Knesset na bumisita sa lugar.

http://iqna.ir/en/news/3466265

Name:
Email:
* Comment: