IQNA

10:07 - September 02, 2018
News ID: 3000048
TEHRAN (IQNA) - Ang ikalimang edisyon ng Pandaigdigang Kapistahan ng "Tarateel Sajjadiyyah" ay isasagawa ng Astan (katiwala) ng banal na dambana ng Imam Hussein (s.k.n.k.) sa lungsod ng Karbala, Iraq.

Ayon sa website ng Astan, maraming mga relihiyoso at akademikong mga tao mula sa Iraq at ilang iba pang Arab at Muslim na mga bansa ay dumalo sa programa.

Ang kapistahan, na kung saan ay binalak sa okasyon ng anibersaryo sa pagkamartir ng Imam Sajjad (s.k.n.k.), ang ika-apat na hindi-maaaring magkamali na Shi’a Imam (s.k.n.k.), ay magsisimula sa Oktubre 16.

Si Muhammad Abdul Salam, direktor ng perya ng aklat na kapistahan, nagsabi na 50 na mga sentro ng paglalathala mula sa Iraq, Iran, Lebanon, Tunisia, at Jordan, pati na rin ang mga kultural na instituto ng Iraq ay magpapakita ng kanilang mga gawa sa perya ng aklat.

Ang 10-araw na kaganapan ay gaganapin sa Bayn al-Haramayn (ang distansya sa pagitan ng banal na dambana ni Imam Husayn (s.k.n.k.) at Hazrat Abbas (s.k.n.k.) sa Karbala) na may layuning ipamahagi ang mga aral ng Imam Sajjad (s.k.n.k.) tungkol sa mga karapatang pantao at lipunan na binanggit ng Imam sa kanyang mga dalangin, "Sahifa Sajjadiyyah" at "Treaties of Rights" (Mga Pormal na Artikulo ng mga Karapatan).

Ang kapistahan ay naglalayon din na ipakilala ang intelektuwal na pamana ng hindi-maaaring magkamali na Imam (s.k.n.k.) at papel nito sa pagtataguyod ng kultura ng karapatang pantao at linawin ang konsepto ng mapayapang pakikipamuhay sa mga tagasunod ng iba't ibang relihiyon na ipinahayag ng Imam sa dalawang gawa.

http://iqnanews.ru/en/news/3466637

Name:
Email:
* Comment: