IQNA

9:02 - September 04, 2018
News ID: 3000051
TEHRAN (IQNA) – Ang Mahistrado na si Tahira Safdar noong Sabado ay nanumpâ bilang unang babaeng Punong Mahistrado sa Mataas na Hukuman ng Pakistan.

Siya ay pinamahalaan ng panunumpâ bilang na Punong Mahistrado sa Mataas na Hukuman ng Balochistan sa pamamagitan ng gobernador ng probinsiya na si Muhammad Khan Achakzai sa isang seremoniya doon sa Bahay ng Gobernador.

Ang paghirang ng Shi’a na babae bilang Punong Mahistrado sa Mataas na Hukuman ng Balochistan ay kinumpirma sa pamamagitang ng Punong Mahistrado ng Pakistan na si Mahistrado Mian Saqib Nisar noong Hulyo. Kanyang pinalitan si Mahistrado Noor Muhammad Meskanzai na ang panunungkulan ay natapos noong Biyernes.

Ayon sa Mataas na Hukuman ng Balochistan website, si Punong Mahistrado Safdar ay unang babae bilang sibil na huwes sa Balochistan at may pagkakaiba ng pagiging unang babae na itinalaga sa lahat ng mga katungkulan na kanyang pinaglingkuran.

Siya ang anak ni Syed Imtiaz Husayn Baqri Hanafi, isang bantog na abugado at ipinanganak sa Quetta noong Oktubre 5, 1957.

 

Ginawa ni Mahistrado Safdar ang kanyang Master sa Urdu na Literatura mula sa University of Balochistan at nakumpleto ang kanyang degree sa Batas mula sa University Law College, Quetta, ayon sa geo.tv.

Nagtaas siya bilang isang karagdagang huwes ng Mataas na Hukuman ng Balochistan noong 2009 at naging huwes sa MHB noong 2011. Maglilingkod siya bilang punong mahistrado ng MHB hanggang Oktubre 4, 2019.

Mahistradong Safdar ay bahagi sa natatanging hukuman sa pagdinig sa mataas na kaso ng pagtataksil laban sa dating pinunong militar na si Pervez Musharraf.

 3743243

Name:
Email:
* Comment: