IQNA

13:40 - September 06, 2018
News ID: 3000055
TEHRAN (IQNA) - Pambansang Kapakanan na Samahan ng Iran naghayag sa mga kondisyon na kinakailangan para sa mga gustong sumali sa ika-4 na edisyon ng Paligsahan na Pandaigdigan sa Qur’an para sa Bulag.

MgaKondisyon para saPakikilahoksa Ika-4 naPaligsahannaPandaigdigansa Quran para saBulagSinabi ng samahan na ang mga aplikante ay may hanggang Enero 21, 2019, upang magawa ang unang pagpaparehistro para sa pagsali ng paligsahan.

Ang paligsahan ay gaganapin sa tagsibol ng 2019, sinabi nito.

Makapagpataas ng pagkakaisa at katatagan sa pagitan ng mga may kapansanan sa paningin sa mundo ng Muslim, magbibigay ng isang lugar para sa pangkultura at pang-agham na palitan sa pagitan sa kanila, pagpaunlad ng kultura at mga aral Qur’aniko, at magpasigla sa mayroon kapansanan sa paningin na mag-aral ng Qur’an at sumali sa mga gawaing Qur’aniko ay kabilang sa mga layunin ng kaganapan.

Ayon sa samahan, ang mga aplikante ay dapat nasa pagitan ng 18 hanggang 45 taong gulang. Ang paligsahan ay gaganapin para sa mga lalaki sa mga kategoriya ng pagsasaulo at pagbabasa ng Qur'an at ang bawat lalaban ay maaaring sumali sa isang kategoriya lamang.

Ang mga aplikante ay dapat na mamamayan sa bansa na nais nilang kumatawan. Ang mga nanalo ng nangungunang tatlong hanay sa nakaraang mga edisyon ay hindi maaaring makilahok sa paligsahan muli.

Ang Ika-3 na Paligsahang Pandaigdigan sa Qur’an para sa May Kapansanan sa Paningin ay ginanap sa Iraniano na kapital noong Abril kasama ang ilang iba pang mga kaganapan Pandaigdigang Qur’aniko, kabilang ang ika-35 na edisyon ng Paligsahang Pandaigdigan sa Qur’an sa Islamikong Republika ng Iran.

 

 http://iqna.ir/en/news/3466693

Name:
Email:
* Comment: