IQNA

9:22 - September 11, 2018
News ID: 3000068
Ang International Human Rights Watch ngayong araw ay nagbigay ng isang pahayag na nagpapahayag ng paglabag sa mga karapatang Muslim na minoriya sa Tsina sa paggamit ng artipisyal na katalinuhan na teknolohiya at mga kailangang impormasyon na pagsususri.

Sa ulat ng IQNA mula sa salaysay na galing sa pahayagan ng Al-Quds Al-Arabi; Ang pinuno ng Human Rights Watch sa Tsina na si Sufi Richardson, ngayon (Setyembre 10/Shahriwar 19), ay nagbigay ng isang pahayag na nagsasabi:

Ang mga paglabag sa mga karapatan ng minoriyang Muslim sa Tsina na nakatira sa Xinjiang na rehiyon, ay nagaganap sa pamamagitan ng pagtitipon ng mataas na antas ng DNA, audio na mga sampol at iba pang kailangang impormasyon na umiiral sa mga dekada sa bansang ito.

Siya nagdagdag sa pagsasabi; “Ang pananaliksik ng Nagkakaisang Bansa at iba pa ay nagpapahiwatig na daan-daang libong Turkong mga Muslim na karamihan sa kanila ay mula sa mga lahing Igor at Kazakh, ay naninirahan ng walang paglitis o kriminal na mga demanda sa mga sentro ng kulungan, mga kampong muling-pagsasanay ng pulitika at mga sentro ng radikalisasyon.”

Lumabas sa pagpatuloy sa itong pahayag; Ang mga detenido sa pampulitika na muling-pagsasanay na mga kampo ay kinakailangan sa kanila na kantahin ang mga awit na nagpupuri kay Xie Jean Ping, ang Pinuno ng Tsina at Partido Komunista ng Tsina, at mag-aral sa pagsalita ng wikang Mandarin, at papahirapan ang sinuman ang lumaban sa itong mga kautusan sa ilang mga kaso.

Kahit na ang mga namumuhay sa labas ng mga sentro ng kulungan ay nasa ilalim parin ng matinding pagmamanman, at ginawa din ang pag-iipon ng DNA na mga sampol at audio na mga sampol sa pakikipag-ugnayan kasama sa kanila.

Binanggit ng Human Rights Watch ang ulat na ito sa panahon ng mga pag-uusap sa pagitan ng Marso at Agosto 2018 na may 58 sa mga biktima ng taong 2014 sa anti-terorismo na hakbang ng pamahalaan ng Tsina, samantala ang samahan ay hindi pinapayagan para sa isang malayang pag-uusap sa mga Muslim sa rehiyon ng Xinjiang, at itong mga usapan ay isinagawa sa mga dating mamamayan ng rehiyon na nakatira ngayon sa Canada, Finland, France, Germany, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Norway, Turkey, at Estados Unidos.

http://iqna.ir/fa/news/3745445

Name:
Email:
* Comment: