IQNA

0:42 - November 06, 2018
News ID: 3000183
TEHRAN (IQNA) - Ang pinuno ng Samahan ng mga Magsasaulo at mga Magbabasa ng Qur’an ng Kapisanan ng Nihdhat-ul-Ulama sa Indonesia at Iranian Cultural Attaché sa Jakarta ay nakipag-usap sa pagtutulungan sa mga relihiyoso at Qur’anikong mga larangan sa pagitan ng dalawang mga bansa.

Kultura at Ugnayan, si Mehrdad Rakhshande, ang sugo ng kultura ng Iran, ay nagbigay-diin sa pangangailangan ng pagpapalakas ng relihiyiso at kultural na ugnayan sa pagitan ng dalawang mga bansang Islamiko.

Sinabi niya na sa loob ng 40 na mga taon simula ng tagumpay ng Rebolusyong Islamiko sa Iran, ang bansa ay umabot ng malaking mga tagumpay sa mga larangang relihiyoso at Qur’aniko at nakapamamahala ng maraming pandaigdigang kilala na mga mambabasa at mga magsasaulo ng Qur’an.

Ang Iran mayroon ding mahalagang mga karanasan sa pagpapanatili ng mga paligsahan at pagtatanghal sa Qur’an pati na rin sa paglalathala ng mga pananaliksik at pag-aaral ng Qur’an, idinagdag niya.

Idinagdag niya na ang mga iskolar ng Iran ay nag-papaunlad ng modernong mga sistema at pamamaraan sa pagtuturo ng pagbabasa, pagsasaulo, at pag-uunawa ng Qur’an para sa iba't ibang mga pangkat ng edad.

Sinabi pa ni Rakhshande na ang Sentro ng Iranianong Kultura sa Jakarta ay handa nang mapalakas ang ugnayan sa Indonesia sa mga larangan ng pangrelihiyoso at pangkultura.

Ang opisyal ng Indonesia, sa kanyang bahagi, ay nagpasalamat sa Sentro ng Iraniano para sa pagpapadala ng mga kopya ng Banal na Qur’an doon sa kapisanan at nagpahayag ng kahandaan para sa pagpaunlad ng mga ugnayan at paggamit ng mga karanasan sa Qur’an mula sa mga Iraniano.

http://iqna.ir/en/news/3467146

Name:
Email:
* Comment: