IQNA

19:31 - November 11, 2018
News ID: 3000193
TEHRAN (IQNA) - Ang Mataas na Korte na disisyon sa Trinidad at Tobago noong Biyernes ay nagbukas ng daan para sa mga opisyal ng pulisya na kababaihan sino nagpapatubad ng Islam na magsuot ng hijab (belo) habang nasa tungkulin.

Ang hatol ng Huwes na si Margaret Mohammed ay sumunod sa isang saligang batas na panukala laban sa Estado na isinampa ng babae na si SRP Sharon Roop upang pahintulutan siyang magsuot ng kanyang hijab (belo) habang nasa tungkulin.

Sa paghahatid ng disisyon, sinabi ng Huwes na si Mohammed na ang karapatan ng opisyal na pagpapatupad ng kanyang paniniwala sa relihiyon ay nilabag.

"Ipinahayag na ang karapatan ng Claimant sa kalayaan ng budhi at relihiyosong paniniwala at pagtalima ay nilabag ng pagtanggi ng kahilingan na magsuot ng hijab (belo) at / o ang pagbabawal laban sa pagsusuot ng hijab kasama ang kanyang uniporme habang nasa tungkulin bilang isang opisyal ng Serbisyong Pulisya ng Trinidad at Tobago," binasa ang kautusan.

Nalaman ng hukom na ang Mga Patakaran sa Serbisyo sa Pulisya ng 2007 ay "labag sa konstitusyon, di-wasto at walang bisa dahil hindi ito nagbibigay ng probisyon para sa pagsusuot ng hijab (belo)".

Iniutos din ng Huwes na si Mohammed na ang mga pinsala ay tasahan, at ang nasasakdal ay magbabayad ng legal na mga gastos ng opisyal na sertipikadong angkop para sa Mataas Abugado upang tasahan ng Registrar sa di-pagtupad ng kasunduan.

Si Roop ay kinakatawan ng mga abugado na si Anand Ramlogan SC, Gerald Ramdeen, at Chelsea Stewart na inutusan ni Robert Abdool-Mitchell.

Ang Estado ay kinakatawan ni Tinuke Gibbons-Glenn, Stefan Jaikaran at Candice Alexander na inutusan ni Svetlana Dass.

 

Ang pagpapasya ng Biyernes ay nangangahulugan na ang mga susog ay dapat na gawin ngayon sa Mga Patakaran sa Serbisyo sa Pulisya upang payagan ang mga opisyal ng pulisya na kababaihan na magsuot ng kanilang hijab (belo) habang nasa tungkulin, bilang kautusan ng damit para sa babaeng mga opisyal (pangalawang bahagi) na na+kabalangkas sa ilalim ng Patakaran 121 at Iskedyul D ng Ang Batas sa Serbisyo sa Pulisya Kabanata 15:01 ay hindi pinapayagan ang ganon.

Ang Trinidad at Tobago ay isang dalawang-isla sa Caribbean na bansa malapit sa Venezuela. Ang mga Muslim ay bumubuo ng 5 porsiyento ng mamamayan ng bansa. 

http://iqna.ir/en/news/3467180

Name:
Email:
* Comment: