IQNA

6:49 - November 19, 2018
News ID: 3000197
TEHRAN (IQNA) - Ang Calgary na mga Muslim ay nag-anyaya sa mga kapatid na mananampalataya sa buong Canada sa mga serye ng natatanging mga pangyayari na magtatapos sa pagdiriwang ng kaarawan ni Propeta Muhammad (s.k.n.k.) sa Martes.

Ang ika-17 na araw ng buwan ng Rabi al-Awwal sa lunar na Hijri na kalendaryo ay pinaniniwalaan ng Shi’ah na mga Muslim na markahan ang anibersaryo ng kapanganakan ni Propeta Muhammad (s.k.n.k.), samantalang ang Sunni na mga Muslim ay isinasaalang-alang ang ika-12 na araw ng buwan bilang na kaarawan ng huling propeta.

Ang Islamic Supreme Council of Canada (ISCC) ay nagsasagawa ng iba't ibang mga programa mula noong pagsisimula ng buwan ng Rabi al-Awwal.

Sinabi ni Dr Atthar Mahmūd, bise presidente ng ISCC at presidente ng Muslim Laban sa Terorismo, nagsabi na ang kaarawan ng propeta ay pangunahing pangyayari sa kasaysayan sa Islamikong taon at isa sa pinakabantog sa mga mananampalataya.

"Siya ang pundasyon ng pananampalataya. Noong nakaraang taon wala kaming sapat na silid sa moske sa Calgary, na may higit sa 1,000 na katao doon sa iyon na gabi," siya nagsabi.

"Sa panahong ito, ang mga iskolar dumating sa bawat gabi sa moske at ang mga tao nakikinig at natututo tungkol sa ginawa ni Propeta Muhammad (s.k.n.k.) sa kanyang mga kaaway, kung ano ang ginawa niya sa kanyang mga kapitbahay. Siya ay laging nagmamalasakit sa mga tao at mapagmahal sa kanila, kabilang na ang kanyang mga di-Muslim na kapitbahay. Ang pagkamakatao ay dapat igalang, iyon ang kanyang layunin, "idinagdag ni Mahmūd.

Ang lahat na mga programa ay nasa ilalim ng pangangasiwa ni Propesor Imam Sayyid Soharwardy, sino ay tagapagtatag ng ISCC at mga Muslim Laban sa Terorismo, ang dalawa na mga samahan ay nagsimula sa Calgary.

Si Soharwardy ang magiging pangunahing tagapagsalita sa pinakamalaking pagdiriwang sa Calgary na nagmarka sa kaarawan, na magaganap sa Green Dome Mosque sa 4616 80 Ave. N.E. sa Lunes ng gabi sa 7.30 p.m.

Sa nakaraang araw, sa Linggo ng hapon, mayroon ding isang kaganapan na minamarkahan ang pangyayari; itong isa ay nasa timog ng lungsod, na magsimula sa 1 p.m. sa Cardel Rec Center, 333 Shawville Blvd. S.E.

"Humahawak kami ng kaganapan sa timog sa Linggo sa kalagayan na ang iilan na mga tao ay hindi makadalo sa Lunes ng gabi dahil sa mga katuwiran ng trabaho. Ito ay isang pangunahing panahon para sa mga tao na mabigyan ng pagkakataong ipakita ang kanilang pagmamahal sa propeta, "sabi ni Mahmūd.

Idinagdag niya na ang lahat ay mapitagang tinanggap na dumalo sa alinman na paglilingkod alintana ang kanyang pananampalataya.

Ang ISCC at ang mga kaakibat na moske sa buong Canada ay humiling sa Punong Ministro na si Justin Trudeau, kasama ang lahat na panlalawigan at teritoryo, na kilalanin ang kaarawan - tinatawag na Eid Milad un Nabi - opisyal sa parliyamento at mga lehislatura.

"Ang pagkilala na ito ay mahalaga para sa mga Muslim sa Canada. Ito ay isang mahalagang araw ng kagalakan at pagdiriwang sa buong mundo ng Muslim, "sinabi ni Mahmūd.

Idinagdag niya na ang Eid Milad un Nabi ay nagbibigay ng pagkakataon upang malaman ang tungkol sa tunay na mensahe ng Islam, na batay sa kabanalan ng buhay, mga pag-aalay, kawanggawa, kapatawaran at kapatiran sa pagitan ng lahat na mga tao.

"Gusto kong magbigay ng mensahe sa lahat, lalo na sa mga kabataang Muslim," sinabi niya. "Nais nating mabuhay sa mundong ito na may kapayapaan at pagkakaisa, na walang kawalang-katarungan at walang pinsala sa sinumang tao, anuman ang kanyang pananampalataya o kultura na ginagawa niya. Kaya't mapagpakumbaba kong ipanukala na mayroon tayong isang pagpipilian - na mabuhay tayo sa pamumuhay alinsunod sa pagtuturo ng Allah na doon sa pinakamamahal na propeta, si Propita Muhammad (s.k.n.k.)."

http://iqna.ir/en/news/3467245

Name:
Email:
* Comment: