IQNA

8:18 - January 07, 2019
News ID: 3000298
TEHRAN (IQNA) - Ang ika-36 na edisyon ng Pandaigdigang Paligsahan ng Qur’an sa Islamikong Republika ng Iran ay gaganapin sa Tehran sa buwan ng Abril.

Tulad ng nakaraang mga taon, ang Imam Khomeini Mosalla ng Tehran (pagdasal na bulwagan) ay punong-abala sa paligsahan.

Ayon sa mga nagtatag, gaganapin ito mula Abril 8 hanggang 15, iniulat ng IRNA.

Ang Samahan ng Pagkakaloob [Awqaf ] at Kawanggawa na mga Kapakanan taun-taon ay nag-organisa ng kumpetisyon sa paglahok ng mga magsasaulo at mgababasa ng Qur’an mula sa iba't ibang mga bansa.

Noong nakaraang taon, halos 370 na banyagang mga bisita, kabilang ang mga kalahok, mga eksperto sa Qur’an at mga miyembro ng lupon ng mga hukom, ang sumali sa kumpetisyon at iba pang pandaigdigang mga paligsahan na gaganapin sa Tehran nang sabay-sabay.

Kabilang dito ang pandaigdigang mga paligsahan sa Qur’an para sa mga kababaihan, ang mga may kapansanan sa paningin at mga mag-aaral sa seminaryo.

http://iqna.ir/en/news/3467624

Name:
Email:
* Comment: