IQNA

15:02 - January 16, 2019
News ID: 3000317
TEHRAN (IQNA) - Ang World Islamic Network (WIN) ay isang TV channel sa India na nagsasahimpapawid ng mga programa para sa Shia na mga Muslim.

Ang World Islamic Network, isang nakarehistrong Pampublikong Tiwala (sa ilalim ng Pamahalaan ng India), ang unang Islamikong 24-oras na satellite channel na itinatag noong 1991 na may pangunahing layunin ng pagbibigay ng tunay na kaalaman sa Islam sa mga tao sa buong mundo, ayon sa website nito.

Nagsasahimpapawid ito ng mga programa sa Urdu para sa iba't ibang pangkat ng edad lalo na ang kabataan sa 30 na mga bansa.

Ang WIN ay naglathala rin sa halos 90 na iba't ibang mga pamagat, kabilang ang mga aklat sa relihiyon sa 45,000 na mga kopya na ibinahagi libre sa buong mundo.

Kabilang sa mga pangunahing programa na inihimpapawid sa TV channel ay iyong mga nagtatampok ng mga aral ng Qur’an at Nahj-ul-Balaghah.

Ang channel ay gumawa rin ng natatanging mga programa para sa mga buwan ng Muharram at Safar (ang una at ikalawang buwan ng kalendaryong Islamiko) upang ipalaganap ang mensahe ng pag-aalsa ni Imam Hussein (s.k.n.k.).

http://iqna.ir/en/news/3467700

Name:
Email:
* Comment: