IQNA

9:01 - February 10, 2019
News ID: 3000368
TEHRAN (IQNA) - Ang ikalawang kapulungan ng mga kababaihan na Iraqiana na mga magsasaulo ng Qur’an na gaganapin sa banal na lungsod ng Karbala.

Ayon sa ahensiya ng balita na Qaaf, ang Sentro ng Dar-al-Qur’an ng Astan (katiwala) ng Imam Hussein (s.k.n.k.) sa banal na dambana ay nag-oorganisa ng kaganapan.

Nagtutulungan din ang Basaer Qur’aniko na Instituto sa pagpaganap ng pagtitipon, na gaganapin sa Sabado, Pebrero 9.

Ito ay maglilingkod bilang isang lugar para sa kababaihang mga aktibista sa Qur’an upang makipagpalitan ng mga karanasan sa pagsasaulo ng Banal na Qur’an.

Magkakaroon din ng mga talumpati, Quran na pagbabasa na sesyon, at mga seminar sa Qur’anikong mga isyu.

Daan-daang mga kababaihan mula sa iba't ibang lalawigan ng Arabong bansa ang inaasahang dumalo sa kombensyon.

Ang mga gawaing Qur’aniko ay may makabuluhang pag-unlad sa Iraq simula noong 2003 ng pagbagsak ng dating diktador na si Saddam Hussein.

Nagkaroon ng tumutubong kalakaran ng mga programang Qur’aniko katulad ng mga kumpetisyon, mga sesyon ng pagbasa at mga programang pang-edukasyon na naganap sa bansa sa nakaraang mga taon.

 

http://www.iqna.ir/fa/news/3788462/  

Name:
Email:
* Comment: