IQNA

9:02 - February 10, 2019
News ID: 3000369
TEHRAN (IQNA) - Pinuno ng Rebolusyong Islamiko Ayatollah Sayyed Ali Khamenei ay dumalo sa isang seremonya ng pagluluksa noong Huwebes ng gabi bago ang anibersaryo ng pagkamartir ng Banal na Zahra (s.k.n.k.).

Tulad ng nakaraang mga taon, ang mga seremonya ng pagluluksa sa malungkot na okasyon ay ginaganap sa loob ng ilang mga araw sa presensya ng Lider doon sa Imam Khomeini Husseiniyeh (sentro ng pangrelihiyon) sa Tehran.

Ito ang pangatlong gabi ng pagdadalamhati doon sa Husseiniyeh.

Malaking bilang ng mga tao at ang mga opisyal ng Islamikong Pamahalaan ay naroroon sa kaganapan.

Ang nagtalumpati sa seremonya, ang mataas na kleriko na si Hujjatul-Islam Rafi’ī ay nagpaliwanag sa marangal na kalagayan at kabutihan ng Banal na Zahra (s.k.n.k.), ang minamahal na anak na babae ng Propetang Muhammad (s.k.n.k.), at ang kanyang katatagan sa landas ng katotohanan.

Gayundin, ang kilalang mga magtutula ng kalungkutan, si Samavati at Motiei ay nagbigkas ng mga tulang malungkot upang gunitain ang anibersaryo.

Ang Shia na mga Muslim at iba pa sa iba't ibang bahagi ng mundo ay nagkakaroon ng mga seremonya taun-taon sa buwan Hijri ng Jumada al-Ula upang magdalamhati sa pagkamatay ng Banal na Zahra (s.k.n.k.).

Sa taong ito, ang anibersaryo ng pagkamartir ay tumama sa Sabado, Pebrero 9.

 

http://iqna.ir/fa/news/3788554

Name:
Email:
* Comment: