IQNA

8:34 - March 04, 2019
News ID: 3000419
TEHRAN (IQNA) - Isang pandaigdigang kumperensya na pinamagatang "Imam Ali (s.k.n.k.), Huwaran ng Katarungan at Kabanalan para sa Mundo" ay gaganapin sa banal na lungsod ng Qom, Iran, sa susunod na linggo.

Sinabi ni Hojat-al-Islam Najaf Lakzaei, pinuno ng Sentro ng Islamikong mga Agham at Kultura na Pananaliksik, ang matataas na mga kleriko si Ayatollah Abdollah Javadi Amoli at si Hojat-al-Islam Sheikh Hossein Ansarian ang magtalumpati sa pangyayari habang ang dakilang Ayatollah Makarem Shirazi ay magpapadala ng mensahe.

Itinakdâ para sa Huwebes, Marso 7, na gaganapin ito bago ang anibersaryo ng kaarawan ng unang Shia Imam, sinabi niya.

Idinagdag ni Lakzaei na ang pagpupulong ay naglalayong pag-usapan ang Seerah ng Imam Ali (s.k.n.k.) mula sa pananaw ng hustisya at kabanalan, nagpapakita ng isang huwaran na papel para sa lipunan ngayon, at pagtataguyod sa mga pananaw ng Imam sa mundo.

Ang mga paksâ para sa talakayan ay kinabibilangan ng Imam Ali at mga karapatang pantao, Imam Ali at hustisya, Imam Ali at mga kalayaang panlipunan, at Imam Ali at katarungang panlipunan, sinabi niya.

Sinabi ni Hojat-al-Islam Najaf Lakzaei na mayroong 305 na mga papeles mula sa Iran at ilang Arabong mga bansa ang naisumite sa kalihiman ng kumperensya, kung saan ang 33 ay ipapakita sa apat na dalubhasang mga lupon. 

 

http://www.iqna.ir/fa/news/3794511

Name:
Email:
* Comment: