IQNA

6:51 - March 05, 2019
News ID: 3000422
TEHRAN (IQNA) - Ang Sentro ng Pangkulturang Iraniano sa Sri Lanka ay naglathala ng artikulo na may pamagat na "Banal na Qur’an at mga Karapatang Pantao" sa Timog Asia na bansa.

Alinsunod sa website ng Samahan ng Islamikong Kultura at mga Kaugnayan, ang artikulo ay nailathala sa Tamil sa Thoothu website sa okasyon ng ika-40 na anibersaryo ng tagumpay ng Islamikong Rebolusyon ng Iran.

Ang pinakamahalagang bahagi ng artikulo ang mga pagsisikap ni Imam Khomeini sa Rebolusyong Islamiko at binibigyang diin na ito ay dahil sa kanyang pamumuno at batay sa mga turo ng Islam at Qur’an na ang rebolusyon ay nakakamit ang tagumpay at nagtapos ang paglabag sa mga karapatang pantao sa Iran.

Ang mga isyu na may kinalaman sa mga karapatang pantao na nabanggit sa Banal na Qur’an katulad ng karapatan ng lahat na tao na mabuhay, dignidad ng tao, katarungan at ang pangangailangan ng pagtatayo nito sa lipunan ay kabilang sa mga tema na tinalakay sa artikulo.

Sa panahon ng Islamikong Rebolusyon, ang sambayanang Iraniano ay ibinagsak ang rehimeng Pahlavi na sinusuportahan ng US noong Pebrero 11, 1979, na nagtapos sa 2,500 na mga taon ng monarkiya sa bansa.

Sri Lanka ay isang isla na bansa sa timog ng India sa Indiano na Karagatan.

Bilang ng sensus noong 2011, ang mga Muslim ay bumubuo sa halos 10 porsiyento ng populasyon sa Buddhista na karamihan na bansa.

http://iqna.ir/en/news/3468047

 

Name:
Email:
* Comment: