IQNA

12:46 - March 06, 2019
News ID: 3000424
TEHRAN (IQNA) - Ang Sentro ng Dar-Al-Qur’an ng Astan (katiwala) sa banal na dambana ng Imam Hussein (s.k.n.k.) sa Karbala, Iraq, ay naglunsad ng sangay nito sa Syriano na capital ng Damascus.

Ayon sa website ng Astan (katiwala), ang sangay ay matatagpuan na malapit sa banal na dambana ng Hazrat Zaynab (s.k.n.k.).

Ang nagbibigay ng talumpati sa inaugural na seremonya, si Sheikh Hassan Mansouri, direktor ng Sentro, nagsabi na ang sangay ay magtatatag ng Qur’anikong mga programang pangrelihiyon, kabilang ang isang kursong pagsasanay ng guro ng Qur’an at mga programa ng pagbasa ng Qur’an sa panahon ng banal na buwan ng Ramadan.

Ang seremonya ay tumutugmâ sa pagsasara ng kurso na ginanap para sa lalaki at babaeng mga guro ng Qur’an sa Damasco.

Ang Sentro ng Dar-Al-Qur’an ay dati nang naglunsad ng mga sangay sa iba pang mga bansa, kabilang ang Lebanon, Indonesia, Iran at maraming bansa sa Aprika.

Ang mga gawain sa Qur’an ay may makabuluhang pag-unlad sa Iraq simula noong 2003 ang pagbagsak ng dating diktador na si Saddam Hussein.

Nagkaroon ng lumalagong kalakaran ng mga programang Qur’aniko tulad ng mga kumpetisyon, mga sesyon ng pagbasa at mga programang pang-edukasyon na ginanap sa bansa sa nakaraang mga taon.

 

http://iqna.ir/en/news/3468062

Name:
Email:
* Comment: