IQNA

6:35 - March 07, 2019
News ID: 3000426
TEHRAN (IQNA) - Ang paunang yugtô ng ika-13 na edisyon ng pambansang kumpetisyon sa Tartīl pagbasa ng Qur’an ay gaganapin sa pamamagitan ng Pandaigdigang Instituto ng Gantimpala ng Banal na Qur’an sa Dubai sa Marso 24 sa UAE.

Ayon sa pahayagan ng Al-Bayan, ang rehistrasyon para sa kumpetisyon, na pinamagatang "Sheikh Rashid bin Muhammad Al Maktoum", ay magpapatuloy hanggang Marso 14.

Ito ay binalak para sa limang mga grupo ng edad ng mga bata at mga tinedyer na wala pang 13 taong gulang, mga tinedyer at mga kabataan na may edad na 13 hanggang 25, mga kabataan na mahigit sa 25 taong gulang, at mga imam ng mga moske at mga dayuhan na naninirahan sa UAE.

Si Ibrahim Bumilha, ang tagapayo sa pinuno ng Dubai sa pangkultura at pantao na mga kapakanan at pinuno ng nagtatag na komite ng kumpetisyon, ay nagsabi na ang Qur’anikong kaganapan ay isang mahalagang bahagi ng Pandaigdigang Gantimpala ng Banal na Qur’an sa Dubai, na gaganapin sa paglahok ng malaking bilang ng Qur’an na mga magsasaulo sa bawat taon.

Idinagdag niya na ang mga nagnanais sumali sa kumpetisyon ay maaaring magrehistro ng online o isumite ang kanilang mga porma ng aplikasyon sa instituto.

http://iqna.ir/en/news/3468074

Name:
Email:
* Comment: