IQNA

16:03 - March 07, 2019
News ID: 3000428
TEHRAN (IQNA) - Ang mga nanalo ng ikalawang edisyon ng pandaigdigang kumpetisyon ng Qur’an sa Port Said, Ehipto, ay iginawad sa seremonya noong Martes.

Ang seremonya ay dinaluhan ng iilang bilang na mga opisyal, kabilang si Adil Al-Ghazban, ang gobernador ng Port Said, Sadi al-balad website ang nag-ulat.

Sa isang talumpati, sinabi ni Al-Ghazban na ang lungsod ay ipinagmamalaki na punong-abala ng pandaigdigang kumpetisyon sa Qur’an, na pinangalanang sa maalamat na Egyptiano na Qari na si Abdul Basit Abdul Samad, sa ikalawang pagkakataon.

Ang kabuuan ng 55 na mga kalahok mula sa 29 na Arabo at Aprikano na mga bansa ang nakilahok sa paligsahan, na inorganisa sa ilalim ng pagtangkilik ng Ehiptohanong Punong Ministro na si Mostafa Kamal Madbouly.

Nakipagpaligsahan sila sa tatlong mga kategorya pagsasaulo ng Qur’an, pagbasa ng Qur’an, at Tawasheeh at Ibtihal.

Ang lupon ng mga hukom, na pinamumunuan ng iskolar ng Al-Azhar na si Abdul Karim Salih, ay binubuo ng mga dalubhasa sa Qur’an mula sa Ehipto, Sudan, Morocco at United Arab Emirates.

http://iqna.ir/en/news/3468070

Name:
Email:
* Comment: