IQNA

11:40 - March 08, 2019
News ID: 3000429
TEHRAN (IQNA) - Ang unang diyalogo sa pagitan ng pananampalataya sa pagitan ng Iran at Germany ay ginanap sa Iranianong kapital ng Tehran noong Martes at Miyerkules.

Nagsimula ito sa Samahan ng Islamikong Kultura at Ugnayan sa Tehran noong Martes at nagpatuloy sa Instituto ng Nasusulat na Pamana na Pananaliksik, ay sa Tehran din at sa Unibersidad ng mga Relihiyon at mga Sekta sa Qom.

Sa pagsasalita sa seremonya ng pagbubukas noong Martes, si Hojat-al-Islam Mehdi Taskhiri, pinuno ng ICRO's Sentro para Diyalogo sa Pagitan ng mga Pananampalataya at mga Kultura, nagsabi na ang mga pagtitipon na ito ay naglalayong talakayin ang mga etika at espirituwal na mga isyu pati na rin ang mga paksa tungkol sa lipunan, kabilang ang papel na ginagampanan ng relihiyon at mga lider ng relihiyon sa pagtanggol ng kapaligiran at sumalungat sa extremismo (pagmamalabis) at karahasan sa pangalan ng relihiyon.

Si Gholam Reza Zakyani, isa pang tagapagsalita ang nagpaliwanag sa pananaw ng Qur’an sa diyalogo.

Sinabi niya na ang Qur’an, sa talata 24 ng Surah Saba, ay nagtuturo sa sangkatauhan tungkol sa pag-uusap sa pagitan ng mga tao, sa pagitan ng mga relihiyon, at sa pagitan ng mga denominasyon.

Nagsasalita din sa pangyayari, si Christian Struble, miyembro ng Christian-Muslim Dialogue Board ng Central Council of Catholics ng Germany, ay nagsabi na kung walang mapayapang ugnayan sa pagitan ng mga relihiyon, walang magiging kapayapaan sa mundo.

Idinagdag niya na ang layunin ng interfaith na mga diyalogo ay hindi lamang ang pagdirikit sa mga puwang sa pagitan ng mga relihiyon kundi pati na rin ang pagkuha ng pansin sa pangangailangan sa pagtataguyod ng kapayapaan sa mundo. 

http://iqna.ir/fa/news/3795597/

Name:
Email:
* Comment: