IQNA

16:10 - March 12, 2019
News ID: 3000442
TEHRAN (IQNA) - Isang kilalang Iraniano na aktibista ng Qur’an nagsabi na ang mga kumpetisyon ng Quran na ginanap sa pandaigdigang antas ay maaaring makatulong na mapahusay ang pagkakaisa sa mga Muslim.

Sa pagsasalita sa IQNA, si Hojat-al-Islam Mohammad Hajabolqassem, isang tagapagsaulo ng buong Qur’an, ay nagsabi na ang Banal na Aklat ay pinahahalagahan ng lahat ng mga Muslim at, kaya, ang mga pandaigdigang mga kumpetisyon ng Qur’an ay maaaring maging mga lugar para sa pagdadala ng mga Muslim na mas malapit nang magkasama.

Idinagdag niya na ang pagtatag ng naturang Qur’anikong mga kaganapan ay isang malaking hakbang patungo sa pagpapalakas ng pagkakaisa sa Muslim na Sambayanan [Ummah].

Sa pagtukoy sa paparating na Pandaigdigang Paligsahan ng Qur’an ng Islamikong Republika ng Iran, si Hojat-al-Islam Hajabolqassem, sino miyembro din ng parliyamento ng Iran na kumakatawan sa mga tao ng Zanjan, ay nakasaad na maraming mga organisasyon sa bansa ang nag-ambag sa paghawak sa paligsahan, na nakakatulong itaguyod ang kooperasyon sa pagitan sa itong mga samahang pangkultura sa iba pang mga larangan ng Qur’aniko at relihiyoso.

Ang huling yugtô ng Islamikong Republika na ika-36 na Pandaigdigang Paligsahan ng Qur’an sa Iran ay magsisimula sa Tehran sa Abril 10.

Ang Imam Khomeini Mosalla (bulwagan ng panalangin) ay punong-abala ng huling yugtô ng paligsahan.

Ang kumpetisyon ay magtatapos sa isang paggawad na seremonya sa Abril 14 at ang mga kalahok ay makikipagtagpo sa Pinuno ng Islamikong Rebolusyon sa Abril 15.

Ang Samahan ng Pagbibigay [Awqaf] at Kawanggawa na mga Kapakanan ng Iran taun-taon ay nag-organisa ng kumpetisyon sa pakikilahok ng mga magsasaulo at mga mambabasa ng Qur’an mula sa iba't ibang mga bansa.

Noong nakaraang taon, halos 370 na banyagang panauhin, kabilang ang mga kalahok, mga dalubhasa sa Qur’an at mga miyembro ng lupon ng mga hukom, ang nakilahok sa kumpetisyon at iba pang pandaigdigang mga paligsahan na gaganapin sa Tehran nang sabay-sabay.

http://iqna.ir/en/news/3468106

Name:
Email:
* Comment: