IQNA

6:37 - March 13, 2019
News ID: 3000443
TEHRAN (IQNA) - Dapat makipag-usap ang India sa Pakistan at sa pangkat na gusting humiwalay sa Kashmir upang tanggihan ang pagkabahala na itinaas ng isang pagsalakay ng pagpapakamatay sa Indiano na paramilitar na kumboy na inaangkin ng mga militanteng nakabase sa Pakistan, ang dating punong ministro ng estado ang nagsabi.

Si Mehbooba Mufti, sino naging punong ministro ng Jammu at Kashmir mula sa unang bahagi ng 2014 hanggang Hunyo ng nakaraang taon sa panahon na ang Hindu na Partidong Nasyonalista na ang Punong Ministro na si Narendra Modi ay umalis sa suporta para sa kanyang panrehiyong partido, nagsabi na ang patuloy na paghihigpit sa mga militante at sa mga sumusuporta sa paghihiway ay maaaring magpalayo ng damdamin sa mamamayan.

Ang India ay nanumpa na papatayin ang lahat ng mga militante sa nag-iisang estado na ang karamihan ay mga Muslim kung hindi nila itigil ang pakikilaban, matapos ang isang 20-taong-gulang na lokal na lalaki na pumatay ng 40 na paramilitar na mga tropa sa isang pag-atake sa pagpapakamatay noong nakaraang buwan.

Ang pag-atake halos humantong sa isa pang digmaan sa pagitan ng mga mahigpit na magkalaban ang India at Pakistan, na parehong umangkin sa Himalayan na rehiyon sa buo ngunit namamahala sa bahagi.

"Malakas kong nararamdaman na kailangan na mayroon na proseso ng pag-uusap sa loob at ganon din sa labas, kasama ang Pakistan," sinabi ni Mufti sa isang panayam noong Biyernes. "Ang kalagayan ay magiging mas malala kung ang walang isang uri na prosesong pampulitika na pagsimulan sa ilalim ngayon."

Ang mga opisyal ng India ay paulit-ulit na nagpapahayag na walang mga pag-uusap sa Pakistan maliban kung kumikilos ito laban sa militanteng grupo batay doon. Sinabi ng India na ang digmaang mga eroplano nito noong huling nakaraang buwan ay nagbomba sa militanteng kampo sa Pakistan, na tumugon sa isang himpapawid na pag-atake sa susunod na araw.

Sinabi ng Kalihim ng Panlabas ng India na si Vijay Gokhale sa araw ng pag-atake na nakapatay iyon ng maraming "mga terorista" ng Jaish-e-Mohammed. Sinabi ng Pakistan na walang sinuman ang napatay.

Ang Punong Ministro ng Pakistan na si Imran Khan, sino nagnanais na makipag-usap kay Modi sa gitna ng kapootan, ay nagsabi na walang militanteng grupo ang papayagang mamahala mula sa kanyang bansa upang isakatuparan ang mga pag-atake sa ibang bansa, mga araw pagkatapos ng kanyang gubyerno na inihayag ang isang malawakang paghihigpit laban sa militanteng mga organisasyon.

"Itong kumprontasyon na kaugalian – na walang mga pag-uusap, na walang talakayan- ay mayroon na epekto," ayon kay Mufti, alinsunod sa Reuters. "Anuman ang kaugnayan natin sa Pakistan, ito ay may direktang epekto sa Jammu at Kashmir at tayo ang pinakamasamang naghihirap sa ganitong malaking poot."

Ang mga awtoridad ng India nag-aresto ng maraming mga lider ng separatista sa Kashmir sa nakalipas na ilang mga linggo, at ang pinuno ng namamahala na Bharatiya Janata Party (BJP) ni Modi ay nagsabi kamakailan na ang gobyerno ay nagpaliwanag sa kanila na "kung nais nilang mabuhay sa India, kailangang magsalita sila ng wika ng India, hindi sa Pakistan".

Si Mufti, na ang ama ay isang punong ministro ng Jammu at Kashmir, ay nagsabi na ang matigas na paninindigan ng mga awtoridad ng India ay hahantong sa "ilang kalmado sa ibabaw" na hindi magtatagal. Pinatay ng India ang 248 na mga militante sa Kashmir noong 2018 - ang pinakamataas sa isang dekada.

"Sa sandaling sinimulan mo na sasakalin ang ispasyo para sa hindi pagsang-ayon sa isang demokrasya, ang mga tao ay nakadarama ng pagtulak sa pader at pagkatapos ay humahantong ito sa karagdagang pagsasalungatan at pagpapalayo ng damdamin," sinabi niya.

Sinabi ni Mufti na ang pangkalahatang halalan ng India - simula ngayong Abril 11 at ang kanyang mga resulta ay ipahayag sa Mayo 23 - ay maaaring maantala ang proseso ng anumang mga pag-uusap sa loob ng partido sa Kashmir.

http://iqna.ir/en/news/3468109

Name:
Email:
* Comment: