IQNA

14:41 - March 14, 2019
News ID: 3000446
TEHRAN (IQNA) - Itong edisyong sa taon ng pambansang paligsahan ng Qur’an sa Iran ay dadaluhan ng 631 na mga aktibista ng Qur’an mula sa 82 na mga bansa.

Ang mga kumpetisyon, kabilang ang pangunahing paligsahan para sa mga kalalakihan, at para sa mga kababaihan, may kapansanan sa paningin, mga estudyante sa seminaryo at mga mag-aaral sa paaralan, ay itinakdâ sa Abril 10-15.

Ang Imam Khomeini (RA) Mosalla (bulwagan ng panalangin) ay punong-abala ng pangunahing kaganapan.

Ang Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga Kapakanan taun-taon ay nag-organisa ng kumpetisyon sa pakikilahok ng mga magsasaulo at mga mambabasa mula sa iba't ibang mga bansa.

Noong nakaraang taon, halos 370 na banyagang mga panauhin, kabilang ang mga kalahok, mga eksperto sa Koran at mga miyembro ng lupon ng mga hukom, ang nakilahok sa kumpetisyon at iba pang pandaigdigang paligsahan na ginanap sa Tehran nang sabay-sabay.

http://iqnanews.ru/en/news/3468129

Name:
Email:
* Comment: