IQNA

17:34 - April 07, 2019
News ID: 3000501
TEHRAN (IQNA) - Ang mga nanalo ng ikatlong edisyon ng kumpetisyon ng Qur’an sa pagtan ng mga koponan mula sa iba't ibang unibersidad ng Iraq ay pinarangalan sa seremonya ng pagsasara.

Ang Sentro ng Dar-al-Qur’an ng Astan (katiwala) ng Imam Hussein (s.k.n.k.) sa banal na dambana ay nagtatag ng paligsahan sa pakikipagtulungan sa Unibersida ng Warith Al-Anbiya.

Sampung mga koponan mula sa mga unibersidad ng Babil, Baghdad, Karbala, Basra, Wasit, Muthanna, Warith al-Anbiya, at ang Unibersidad ng Teknolohiya ay nandodoon sa Qur’anikong paligsahan, na nagsimula noong Lunes.

Ayon sa Sheikh Khayruddin al-Hadi, isang opisyal sa Sentro ng Dar-a-Qur’an, ang mga koponan mula sa mga unibersidad ng Basra at Baghdad ay una at ikalawa, alinsunod sa pagkakabanggit, ang dar-al-quran.org na website ang nag-ulat.

Ang pagsasaulo, pagbasa at Tafsīr (interpretasyon) ng Banal na Qur’an ay ang pangunahing mga tema ng Qur’anikong kaganapan.

Ito ay naglalayong itaguyod ang kultura ng Qur’an sa mga unibersidad at akademikong mga sentro at kilalanin ang mga talento sa Qur’an sa pagitan ng mga mag-aaral sa unibersidad.

Ang mga gawain sa Quran ay may makabuluhang pag-unlad sa Iraq simula noong 2003 nang pagbagsak sa dating diktador na si Saddam Hussein.

Nagkaroon ng lumalagong kalakaran ng mga programang Qur’aniko tulad ng mga kumpetisyon, mga sesyon ng pagbasa at mga programang pang-edukasyon na ginanap sa bansa sa nakaraang mga taon.

 

http://iqna.ir/fa/news/3800973

Name:
Email:
* Comment: