IQNA

22:15 - April 10, 2019
News ID: 3000515
TEHRAN (IQNA) - Ang Ika-10 na Pandaigdigang Paligsahan ng Quran sa Kuwait ay nagsimula sa bansang Arabo noong Martes.

Sa pagsasalita sa seremonya ng pagbubukas, si Fahd al-Shula, ministro ng Awqaf ng Kuwait, ay binigyang kahalagahan ang dakilang katayuan ng Banal na Qur’an at sinabi na ang pag-organisa ng paligsahan ay nagpapahiwatig na binigyan ng kahalagahan ng pamahalaan ang ugnayan sa mga gawain sa Qur’an.

Ang isa pang tagapagsalita ay si Fareed Emadi, ang kinatawan ng ministro ng Awqaf (Kawanggawa), sino nagpaliwanag sa mga programa ng kumpetisyon.

Ang mga kinatawan ng 80 na mga bansa ay iniulat na lalahok sa pandaigdigang kaganapan sa Quran.

Pagsasaulo ng buong Qur’an kasama ang Tajwīd na pagbigkas, pagsasaulo ng buong Qur’an sa sampung mga istilo ng pagbasa, at mga proyekto upang maglingkod ng Quran ay kabilang sa mga kategorya ng paligsahan.

Ang isang bagong kategorya sa edisyon ng taong ito ay ang "malabata na mga magsasaulo" na kategorya.

Yemen, Kuwait at Libya, sino ang mga kinatawan ay nanalo ng pinakamataas na bilang ng mga premyo sa nakaraang mga edisyon ay pinarangalan para sa kanilang mga nagawa sa kumpetisyon ngayong taon.

Si Hamid Reza Moqaddasi mula sa lalawigan ng Qom, si Reza Golshahi mula sa Khorasan Razavi at Mohammad Yusuf Darvishi mula sa Qazvin ay kumakatawan sa Iran sa paligsahan.

Sila ay nakikipagkumpitensya sa mga kategorya ng Qur’an na pagbasa, pagsasaulo ng buong Qur’an at pagsasaulo ng Qur’an para sa mga malabata.

http://iqna.ir/en/news/3468269

Name:
Email:
* Comment: