IQNA

10:02 - April 12, 2019
News ID: 3000517
TEHRAN (IQNA) - Inilarawan ng Iranianong Presidente Hassan Rouhani ang kamakailang paggalaw ng US upang ilagay sa talaang-itim ang Islamic Revolution Guards Corps (IRGC) bilang kaululan at sirâ ang isip at sinabi na ito ay naglalayong tulungan ang isang manalo sa mga halalan sa okupadong Palestine.

Nagsasalita sa isang pulong ng Gabinete sa Tehran noong Miyerkules, sinabi ni Rouhani na ang Punong Ministro ng rehimeng Zionista ay malinaw na nakasaad na ang mga hakbang ng US ay ginawa sa kanyang kahilingan.

Idinagdag niya na ang paglagay sa talaang-itim ng IRGC at isa pang kilos ng US upang kilalanin ang "kapangyarihan" ng Israel sa sinakop nila na Golan Heights sa Syria ay iligal na mga aksyon na ginawa upang tulungan ang isang tao (ang Punong Ministro ng Israel na si Benjamin Netanyahu) na manalo sa halalan sa inookopahan na mga teritoryo.

Ipinaliwanag pa ng pangulo ang papel na ginagampanan ng IRGC sa pagtatanggol ng kalayaan sa rehiyon at tulong nito sa paglaban sa terorismo at sinabi na walang sinumang makikinig sa kalukuhan na kilos ng US laban sa IRGC.

Ang mga Amerikano ay mali na sa pag-unawa nila na maaaring paghiwalayin ang Iranianong bansa at ang IRGC, sinabi niya.

Ang pamamahala ni Trump noong Lunes ay itinalaga ang IRGC bilang isang grupong terorista.

Pagkaraan ng araw, ang Supreme National Security Council ng Iran naman ay nagtalaga ng mga puwersa ng US sa Kanlurang Asia, na kilala bilang Central Command ng Estados Unidos (CENTCOM), bilang isang teroristang organisasyon.

 

http://iqna.ir/fa/news/3802618

Name:
Email:
* Comment: