IQNA

22:26 - April 14, 2019
News ID: 3000525
TEHRAN (IQNA) - Ang mga kalahok sa limang pandaigdigang paligsahan ng Qur’an na isinasagawa sa Iran ay makikipagkita sa Pinuno ng Islamikong Rebolusyong Ayatollah Seyed Ali Khamenei sa Lunes.

Ang mga opisyal na nag-organisa ng mga kumpetisyon at mga dalubhasa sa Qur’an, mga aktibista, mga magsasaulo, mga mambabasa at tagapamahala na Iraniano ay nandodoon din sa pagpupulong.

Ang Qur’an TV ng Iran ay mag-brodkast ng mga kaganapan sa pagpupulong ng direkta.

Matapos ang pagbasa ng mga talata mula sa Banal na Qur’an sa pamamagitan ng ilang bilang ng mga Qari, ang pinuno ng Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga Kapakanan ng Iran ay magbibigay ng ulat sa ganapan sa mga kumpetisyon at pagkatapos ang Lider magbigay ng talumpati sa pagtitipon

Ang Ika-36 na Pandaigdigang Paligsahan ng Qur’an sa Islamikong Republika ng Iran, kasama ang apat na iba pang pandaigdigang mga paligsahan sa Qur’an - para sa mga babae, mga may kapansanan sa paningin, mga estudyante sa seminaryo at mga mag-aaaral sa paaralan - nagsimula sa Iran noong Miyerkules.

Ang pagsasara ng seremonya ng mga paligsahan, kung saan ang mga nanalo ng iba't ibang mga kategorya ay ipapahayag at igagawad, ay gaganapin sa Linggo ng gabi.

http://iqnanews.ru/en/news/3468307

Name:
Email:
* Comment: