IQNA

23:46 - April 15, 2019
News ID: 3000527
TEHRAN (IQNA) - Ang mga kalahok sa limang pandaigdigang mga kumpetisyon ng Qur’an na ginanap sa Iran noong nakaraang linggo ay bumisita sa mosoliem ng yumaong tagapagtatag ng Islamikong Republika, si Imam Khomeini (RA) noong Linggo.

Naglagay sila ng isang korona sa libingan ni Imam Khomeini at binigyang paggalang ang yumaong Imam.

Mayroon din silang sesyon ng pagbabasa ng Qur’an sa mosoliem.

Ang Ika-36 na Pandaigdigang Kumpetisyon ng Qur’an ng Islamikong Republika ng Iran pati na rin ang pandaigdigang paligsahan ng Qur’an para sa mga kababaihan, mga may kapansanan sa paningin, mga mag-aaral sa seminaryo at mga mag-aaral sa paaralan ay inorganisa sa Iran noong Abril 10-14 kasama sa pakikilahok ng mga Qari at mga magsasaulo ng Qur’an mula sa 84 na mga bansa.

http://iqna.ir/en/news/3468317

 

 
 
Name:
Email:
* Comment: