IQNA

6:42 - April 16, 2019
News ID: 3000528
TEHRAN (IQNA) - Ang Ika-36 na Pandaigdigan na Kumpetisyon ng Qur’an ng Islamikong Republika ng Iran at apat na iba pang pandaigdigan na mga kaganapan sa Qur’an ay nagtapos sa isang seremonya noong Linggo ng gabi.

Ang mga nanalo ng dalawang mga kategorya ng paligsahan, pati na rin ang pandaigdigan na mga kumpetisyon ng Qur’an para sa mga kababaihan, ang mga may kapansanan sa paningin, mga estudyante sa seminaryo, at mga estudyante sa paaralan, ay inihayag at iginawad sa seremonya.

Ipinahayag ng lupon ng mga hukom si Salman Amrullah mula sa Indonesia bilang nangungunang nagwagi sa kategorya ng pagbasa.

Ang pangalawa ay sina Mehdi Gholamnejad ng Iran at Mohammad Reza Salman mula sa Iraq, si Ahmed Mir Abdul Aziz mula sa Egypt at si Wan Ainuddin Helmi mula sa Malaysia ay ikatlo sa ikalima alinsunod sa pagkakasunod.

Sa pagsasaulo, si Mohamamd Javad Moradi mula sa Iran ang nakakuha sa pinakamataas na premyo. Ang iba pang nangungunang nanalo sa kategoryang ito ay Abdoli Tawfiq mula sa Algeria, si Ahmed Badreddin

Hamami mula sa Syria, si Ahmed Osama mula sa Mauritania, at Akram bin Zakaria al-Balghuti mula sa Tunisia.

Tulad ng sa iba pang apat na mga kumpetisyon, si Maryam Shafiei mula sa Iran ay ipinahayag na nagwagi ng paligsahan para sa mga kababaihan, samantalang si al-Sayyed Hamdir Ibrahim mula sa Egypt ay nakakuha sa una puwesto sa pagsasaulo ng buong Qur’an para sa may kapansanan sa paningin.

Sa kumpetisyon ng Qur’an para sa mga mag-aaral sa paaralan, si Zainab Aminpour mula sa Iran ay nakakuha sa unang pook sa pagsasaulo para sa mga batang babae, si Abdul Alim Abdul Rahim Mohammad Haji mula sa Kenya ay nakakuha sa pinakamataas na premyo para sa pagsasaulo sa mga lalaki at si Amir Hossein Rahmati mula sa Iran ang nakakuha ng pinakamataas na premyo sa pagbasa ng ang Qur’an.

Ang pandaigdigang na mga kumpetisyon ng Qur’an ay nagsimula sa Iran noong Miyerkules kasama ang pakikilahok ng mga mambabasa at magsasaulo ng Qur’an mula sa 84 na mga bansa.

 http://iqna.ir/fa/news/3803638

Nagwagi ng Pandaigdigan na mga Paligsahan sa Qur’an ng Iran Iginawad

Nagwagi ng Pandaigdigan na mga Paligsahan sa Qur’an ng Iran Iginawad

Nagwagi ng Pandaigdigan na mga Paligsahan sa Qur’an ng Iran Iginawad

Name:
Email:
* Comment: