IQNA

6:45 - April 16, 2019
News ID: 3000529
TEHRAN (IQNA) - Si Salman Amrullah mula sa Indonesia, isa sa mga nanalo ng Ika-36 na Pandaigdigang Paligsahan ng Qur’an ng Iran, ay nagsabi na nagugustahan niyang makinig ang pagbabasa ng Qur’an sa Egyptiano na Dalubhasa sa Qur’an na si Mahmoud Shahat Anwar.

Sa pagsasalita sa IQNA, si Amrullah, sino nakakuha sa pinakamataas na premyo sa kategoryang pagbabasa ng paligsahan, ay nagsabi na sinusunod niya ang dalubhasang Egyptiano sa kanyang mga pagbabasa.

Idinagdag niya na gustung-gusto din niya na makinig sa mga pagbabasa ng Qur’an sa Iraniano na dalubhasa na si Hamed Shakernejad.

Sa pagtukoy sa pandaigdigang kumpetisyon ng Qur’an, inilarawan ni Amrullah ang antas ng paligsahan bilang mataas at pinupurî ang mga pagbabago na ginawa sa organisasyon ng kaganapan.

Sinabi niya na ang pagsasagawa ng kumpetisyon sa dalawang yugtô upang ang mga iyon na may mataas na mga kwalipikasyon maabot ang pangwakas ay epektibo sa pagtaas ng antas ng paligsahan.

Sinabi pa ng Indonesiano na Qari na laging ninais niyang bisitahin ang Iran mula noong pagkabata at paglalakbay sa bansa upang dumalo sa pandaigdigan na kumpetisyon sa Quran ang ninais ay natupad.

Tungkol sa kanyang pag-aaral ng Quran, sinabi niya na nagsimula siyang matuto ng pagbasa ng Banal na Aklat sa edad na 14 at pagkatapos ng madaling panahon pinagkadalubhasaan ang mga patakaran ng pagbasa.

Si Amrullah at ang kanyang asawa ay parehong mga guro ng Qur’an at may kabuuang 150 na mga mag-aaral.

Sinabi niya na nagtuturo siya ng pagbasa ng Qur’an habang ang kanyang asawa naman, sino ay isang magsasaulo ng buong Qur’an, ay nagtuturo ng pagsasaulo.

Ang Ika-36 na Pandaigdigang Kumpetisyon ng Qur’an ng Islamikong Republika ng Iran ay ginanap dito sa kabisera, Tehran, noong Abril 10-14.

Ang mga mambabasa at magsasaulo ng Qur’an mula sa 84 na mga bansa ay nakibahagi sa Qur’anikong kaganapan, at sabay-sabay sa pandaigdigan na paligsahan sa Qur’an para sa mga kababaihan, mga may kapansanan sa paningin, mga mag-aaral sa seminaryo at mga mag-aaral sa paaralan. 

http://iqna.ir/fa/news/3803686

Name:
Email:
* Comment: