IQNA

7:14 - April 17, 2019
News ID: 3000530
Tehran (IQNA) - Ang Ika-61 na Pandaigdigan na Paligsahan sa Pagbasa at Pagsasaulo ng Qur’an sa Malaysia ay binuksan sa Kuala lumpur Convention Center.

"Ito ay ipinahayag sa pamamagitan ng mga pagkilos at mas mataas na pagkatao, at sa gayon ay bumubuo ng isang huwaran na multi-racial na Islamikong bansa na maaaring sundin sa ibang mga bansa ng mundo," sinabi ng Kinatawang Ministro sa Kagawaran ng Punong Ministro na si Fuziah Salleh sa kanyang pambungad na pananalita sa Ika-61 na Pandaigdigang Pagtitipon sa Pagbasa at Pagsasaulo ng Qur’an sa Kuala Lumpur Convention Center (KLCC) kagabi.

 

Sa panahon ng talumpati tinanggap din ni Fuziah ang mga hukom at lahat ng 107 na mga kalahok para sa parehong kategorya ng pagbasasa at pagsasaulo na galing sa 71 na mga bansa para sa Ika-61 na edisyon na may kasamang temang 'Pakikiramay para sa Sambayanan [Ummah] Magdadala ng Awa'.

"Ang pakikilahok mula sa iba't ibang mga bansa ay sumasagisag sa kanilang suporta at paghimok sa pamahalaan ng Malaysia, sa kabila ng libu-libong mga milya ang layo at handa pa ring lumahok sa prestihiyosong kaganapan.


"Umaasa ako na lahat ay magkakaroon ng ganitong pagkakataon upang makilala ang Malaysia nang mas mahusay at mas malapit, palitan ng mga pananaw at impormasyon, maranasan ang kultura ng isa't isa, at ang pinaka-mahalaga, pahalagahan ang kakanyahan ng mga talata ng Qur’an," dagdag niya.


Sinabi ni Fuziah na ang Kalihiman ay nag-organisa rin ng mga serye ng mga paglilibot para sa mga kalahok at mga hukom bilang bahagi ng kaganapan upang ipakilala ang Malaysia sa mundo.

 

Sa pagbubukas ng gabi, ang apat na mga kalahok nagbasa ng Qur’an kabilang ang Harit Puang-Manee (Thailand), Mohammed Zalef Atiyah (Iraq), Man Mariyas (Cambodia) at Mammadov Tural Ikhtiyar (Azerbaijan).

Ang Pandaigdigan na Pagtitipon sa Pagbasa at Pagsasaulo ng Al-Qur’an ay gaganapin para sa limang magkakasunod na mga araw simula ng huling gabi hanggang Abril 20.

Ang Yang di-Pertuan Agong Al-Sultan Abdullah Ri'ayatuddin Al-Mustafa Billah Shah ay isara ang kaganapan.

http://iqna.ir/en/news/3468321

Name:
Email:
* Comment: