IQNA

23:38 - April 20, 2019
News ID: 3000538
TEHRAN (IQNA) - Sa ika-4 na araw ng ika-61 na edisyon ng pandaigdigang kumpetisyon ng Qur’an sa Malaysia, 10 na mga magsasaulo at 8 na mga mambabasa [qari] ang nagpunta sa entablado upang ipakita ang kanilang mga talento sa Qur’an.

Alinsunod sa paghatid ng IQNA, ang mga kalahok sa Huwebes ay mga kinatawan ng Kuwait, Sudan, UAE, Malaysia, Gambia, Ivory Coast, Jordan at Britain sa bahagi ng lalaki at mula sa Niger at Nigeria sa bahagi ng kababaihan na kategorya ng pagsasaulo.

Sa kategoryang pagbasa, si Hadi Movahed Amin ng Iran at mambabasa [qaris] mula sa Morocco, Brunei, Turkey, Algeria, at Singapore ay nakipagkumpitensya sa bahagi ng lalaki at dalawang babae din nagpakita ng kanilang mga talento sa ibang bahagi.

Si Hadi Rahimi, ang dalubhasa na Iraniano sa Qur’an sino ay sumama kay Movahed Amin sa kumpetisyon bilang tagapatnubay, nagsabi sa IQNA sa ngayon, ang Iraniano na mambabasa [qari] ay nagkaroon ng pinakamahusay na pagganap sa mga manlalahok sa pagbasa.

Ang iba pang mga paborito na manalo sa pinakamataas na premyo sa kategoryang ito ay kasama ang mula sa Pilipinas at Algeria, sinabi niya.

Higit sa 107 na mga Qari at Qur’an na mga magsasaulo mula sa 71 na mga bansa ay nakikipagkumpitensya sa pandaigdigang kaganapan ng Qur’an.

Magaganap ito sa Kuala Lumpur hanggang Abril 20. 

 

http://iqna.ir/fa/news/3804779/

Name:
Email:
* Comment: