IQNA

8:25 - April 21, 2019
News ID: 3000540
TEHRAN (IQNA) - Ang ika-61 na edisyon ng pandigdigang kumpetisyon ng Qur’an sa Malaysia ay magtatapos sa pamamagitan ng pagpaparangal na seremonya sa Sabado ng gabi.

Ayon sa paghatid ng IQNA, ang huling pangkat ng mga makikipagpaligsahan ay nagpunta sa entablado sa Biyernes ng gabi upang ipakita ang kanilang mga talento sa pagsasaulo at pagbasa ng Qur’an.

May kabuuang 8 na mga kalahok sa bahagi ng kalalakihan at kababaihan sa huling gabi ng kumpetisyon.

Sila ay kinakatawan ng Palestine, Bangladesh, Australia, Egypt, Mauritius at Pilipinas.

Higit sa 107 na mga Qari at Qur’an na mgasasaulo mula sa 71 na mga bansa ay nakikipagkumpitensya sa pandaigdigan na Qur’anikong kaganapan sa Kuala Lumpur.

Ang mga nanalo ay ipapahayag doon sa pagsasara na seremonya, na inaasahang dadaluhan ng hari ng Malaysia at iba pang matataas na mga opisyal.

Ang kinatawan ng Iran na si Hadi Movahed Amin ay kabilang sa mga paborito na manalo sa pinakamataas na premyo sa kategoryang pagbasa.

http://iqna.ir/en/news/3468333

Name:
Email:
* Comment: