IQNA

22:43 - April 28, 2019
News ID: 3000555
TEHRAN (IQNA) - Ang kombertido na Muslim at Pranses na may-akdâ na si Mathilde Loujayne samantalang binigyan ng kahalagahan ang positibong mga mensahe ng Islam at ang kagandahan nito, hinimok ang mga tao na mananaliksik sa Islam at hindi umaasa sa hindi-totoo at negatibong imahen ng Islam sa media ng Kanluran.

Sa isang pakikipanayam sa Union of OIC News Agencies (UNA) sa linya ng Ika-2 na OIC Kapistahn sa Abu Dhabi, si Loujayne nagsalita tungkol sa kanyang paglalakbay sa Islam, na kung saan kanyang ibinuod sa kanyang aklat na "Big Little Steps" (Malaking Maliit na mga Hakbang).

Ang aklat, na inilathala noong nakaraang taon sa UAE, ay magsikap na magsilbing patnubay sa mga kababaihan upang makahanap ng balanse na pamumuhay at ang pagkinang ng puso sa Islam, pati na rin palinawin ang iilan na mga maling pagkaunawa tungkol sa Islam.

Nagtanong tungkol sa ilan na mga maling pagkaunawa na kanyang binigyang pansin sa kanyang aklat, sinabi ni Loujayne: "Ang aklat ay tumutukoy sa mga maling pagkaunawa tungkol sa mga karapatan ng kababaihan sa Islam. Pinakamahalagang bahagi nito ang papel na ginagampanan ng mga kababaihang Muslim sa panahon ng Propeta Muhammad (s.k.n.k.) at ang kanilang papel na ginagampanan sa lipunan. Nagsulat ako tungkol sa aming eksklusibong mga karapatan sa Islam, at ang aking aklat ay may bahagi na nangunguna na sampung mga karapatan ng mga kababaihan na naranasan sa Islam."

"Sinubukan ko ring ibunyag ang kaliwanagan sa mga bagay na hindi palaging pinag-uusapan, at dapat na sila (pag-usapan), dahil sa kanilang mga positibo, halimbawa, ang maraming mga kababaihan sino nag-ambag sa Islamikong mga pagtuklas sa panahon ng Ginto na Panahon ng Islam," dagdag niya, iniulat ng website ng ummid.com.

Binigyang kalahagahan rin ni Loujayne sa kanyang aklat ang ilan sa mga benepisyo ng mga ritwal ng Islam para sa katawan ng tao, katulad ng mga benepisyo ng pagsasagawa ng mga panalangin, at mga benepisyo ng pag-aayuno, na nagsasabi na ang gayong mga benepisyo ay napatunayan din sa modernong agham ngayon.

Sa mga maling pag-uunawa tungkol sa Islam, sinabi niya: "Ang Islam ay isang relihiyon ng lohika, at kung sinisikap ng mga tao na maunawaan ito, makikita nila na palaging may kadahilanan sa likod ng bawat taludtod at Hadith, at palagi sila para sa kapakinabangan ng mga Muslim at sangkatauhan. "

Tumugon sa isang tanong tungkol sa pangangatuwiran sa likod ng pangalan ng kanyang aklat "Malaking Maliliit na mga Hakbang", sinabi ni Loujayne: "Ito ay nagmula sa Hadith 'Gumawa (ka) ng isang hakbang patungo sa akin, gumawa ako ng sampung mga hakbang patungo sa iyo. Maglakad ka patungo sa akin, tatakbo ako patungo sa iyo."

"Kaya ito ay isang mensahe na kahit na isipin mo ang mga hakbang na iyong ginagawa tungo sa Panginoon ay maliit, ang mga ito ay isang malaking pakitungo at ang Panginoon ay gantimpalaan tayo para sa ating mga pagsisikap," idinagdag niya.

http://iqna.ir/en/news/3468383

Name:
Email:
* Comment: