IQNA

14:22 - May 09, 2019
News ID: 3000583
TEHRAN (IQNA) - Ang ikalimang edisyon ng pangkat ng paligsahan sa Qur’an sa Iraq ay naganap sa banal na lungsod ng Karbala noong Miyerkules.

May kabuuang 16 na Qur’anikong mga koponan mula sa 10 mga lalawigan ng Arabo na bansa ang dumalo sa kumpetisyon doon sa banal na mosoliem ng Hazrat Abbas (s.k.n.k.).

Ang bawat koponan ay binubuo ng isang Qari (mambabasa), isang Qur’an na magsasaulo at isang Mufassir (dalubhasa sa pagbibigay-kahulugan sa Qur’an).

Isinaayos ng Sentro ng mga Proyektong Qur’aniko, na kaanib sa Astan ng banal na dambana (katiwala), ang paligsahan ay tatakbo hanggang sa ika-15 na araw ng banal na buwan ng Ramadan.

Ang mga gawain sa Qur’an ay may makabuluhang pag-unlad sa Iraq simula noong 2003 sa pagkabagsak ng dating diktador na si Saddam Hussein.

Nagkaroon ng lumalagong kalakaran ng mga programang Quraniko katulad ng mga kumpetisyon, mga sesyon ng pagbabasa at mga programang pang-edukasyon na ginanap sa bansa sa mga nakaraang taon. 

 

http://iqna.ir/fa/news/3809633

Name:
Email:
* Comment: