IQNA

23:20 - July 06, 2019
News ID: 3000732
TEHRAN (IQNA) – Ang Organization of Islamic Cooperation (OIC) [Samahan na Islamikong Kooperasyon] ay kasalukuyang nagtatrabaho sa paglulunsad ng unang Pandaigdigang Islamikong Ensiklopedya ng Pagpapaubaya upang ipakita ang pilosopiya ng pagpapaubaya sa Islam, binigyan ng kahalagahan ang tunay na mensahe ng marangal na relihiyon at kontrahin ang pag-angkin ng Islamophobia, hindi pagpapaubaya at ekstremismo.

"Ang proyektong ito, na una sa uri nito, ay nagmula sa paniniwala ng Samahan sa pagkamit ng pagkalat sa totoo at dalisay na Islam at pagwawaksi ng mga maling paniniwala tungkol nito", sinabi ng Kalihim Henaral ng OIC na si Dr. Yousef Al-Othaimeen habang nagbigay ng talumpati sa unang pagpupulong ng Komite ng Pagkokonsultahan ng Ensiklopedya, na ginanap sa punong-himpilan ng OIC sa Jeddah ng mas maaga sa linggong ito.

"Tinatanggap ng OIC ang pagsasagawa sa itong pagpupulong ng pagbuo upang isakatuparan pinag-isa na posisyon upang itaguyod ang mga halaga ng pagpapaubaya para paglingkuran ang Islamikong Komunidad [Ummah], dahil ang proyektong ito ay itinuturing na isang malaking panaginip sa pagbigay ng kalahagahan ng pagpapaubaya at katamtaman, at pag-titipon ng komprehensibong ensiklopedya na nagpapakita sa dalisay at katamtamang papel ng Islam sa ganitong aspeto ", idinagdag niya.

Ang siyentipikong pagkokonsultahan at tagapamahala na mga komite at mga koponan ng pananaliksik ay itinatakda na itatag upang ipaunlad ang mga balangkas ng proyekto.

Ang mga elemento ng ensiklopedya, na isasalin sa iilang mga wika, ay sumasaklaw sa mga talata ng Banal na Qur’an, Marangal na Hadith (mga pananalita at mga tradisyon ng Propeta) at Seerah (talambuhay) ng Propeta (s.k.n.k.) na inilathala at inilagay sa digital na mga porma.

Pinagmulan: ummid.com

 

http://iqna.ir/en/news/3468866

Name:
Email:
* Comment: