IQNA

19:50 - July 07, 2019
News ID: 3000734
TEHRAN (IQNA) - Ang iilan na mga siglo na lumang mga moske na noon pang dakong unang panahon sa mga imperyo ng Seljuk at Ottoman na matatagpuan sa timog-silangan ng lalawigan ng Sanliurfa ng Turkey ay muling bubuksan para sa panalangin pagkatapos ng ganap na pagpapanumbalik na pinasimulan kama kailan lamang.

Ang pagpapanumbalik sa limang mga moske sa lungsod - kung saan ay isang sentro para sa relihiyosong turismo na pinaniniwalaan na tahanan ng pitong mga propeta sa mga Hudyo, Kristiyano at Islamikong pananampalataya - ay pinasinayaan ng Sanliurfa Provincial Directorate for Foundations.

Sa loob ng saklaw ng proyekto sa pagpapanumbalik, ibabalik ang Doseme, Hekimdede, Birecik Magara, at Siverek Karakeci na mga Mosque kasama ang 800-taong-gulang na Pazar Mosque.

Sinabi ng Pangulo ng Pangangasiwaan na si Mehmet Ali Palalı doon sa Anadolu Agency na ang lungsod ay isa sa pinakalumang mga lungsod sa kasaysayan ng tao at naging tahanan sa maraming mga sibilisasyon. Sinabi niya na ang pinakaluma at ang pinaka-kilalang mga moske sa Anatolia ay itinayo roon.

Ang mga proyekto ay maingat na maibalik ang mga simboryo ng moske, mga minarete, mga bubong, mga dingding at mga patyo habang ang pampalakas na trabaho ay gagawin din.

"Sinusubukan naming isulong ang sibilisasyong ito at isalin ito sa susunod na mga henerasyon," sinabi ni Palalı.

Ang lungsod ng Sanliurfa ay itinuturing na isang kayamanan ng kasaysayan na ang rehiyon ay may iba't ibang panahon na tahanan ng mga Sumeriano, mga Babyloniano, Hittite Imperyo, mga Romano, mga Seljuk at Ottomano na Imperyo.

 

http://iqna.ir/en/news/3468881

Name:
Email:
* Comment: