IQNA

14:13 - July 13, 2019
News ID: 3000750
TEHRAN (IQNA) - Ang Astan (katiwala) ng Hazrat Abbas (s.k.n.k.) na banal na dambana sa Karbala, Iraq, ay nag-organisa ng mga kurso ng Qur’an sa tag-init para sa mga kababaihan sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Alinsunod sa website ng balita ng Al-Kafeel, ang Bahagi ng Kababaihan ng Sentro ng Dar-al-Qur’an ng Astan ay naglunsad ng Qur’anikong plano sa simula ng tag-init.

Ang plano ay ipinatutupad para sa ikawalong taon sa lahat ng mga sangay ng sentro sa karamihan ng mga lalawigan ng Iraq kabilang na ang Baghdad, Wasit, Babil, Dhi Qar, Najaf, Karbala, Basra at Diwaniyah.

Ang sangay ng sentro sa Lalawigan ng Markazi ng Iran ay nag-organisa din ng mga kursong Qur’aniko.

Sinabi ni Manar Javad Al-Jabouri, pinuno ng Bahagi ng Kababaihan na ang plano ay bahagi ng mga gawaing Qur’aniko ng sentro na naglalayong tulungan ang mga kababaihan na gamitin sa pinakamabuti na paggamit ang kanilang panahon sa tag-init at itaguyod ang kulturang Qur’aniko.

Ang mga alituntunin sa pagbabasa ng Qur’an at mga pamamaraan ng pagsasaulo ng Qur’an pati na rin ang Islamikong batas, etika at mga paniniwala ng Islam ay kabilang sa mga tema ng mga kurso.

Idinagdag ng isang opisyal na ang Qur’anikong plano ay natanggap nang mabuti noong nakaraang taon. 

 

http://iqna.ir/fa/news/3825235

Name:
Email:
* Comment: