IQNA

6:44 - August 06, 2019
News ID: 3000836
TEHRAN (IQNA) - Ang unang edisyon ng kurso na pang-edukasyon sa pang-agham na himala ng Banal na Qur’an ay ginanap para sa mga guro sa unibersidad sa Estado ng Kano ng Nigeria.

Ayon sa ioqas.org, ang Bayero University ay punong-abala ng kurso, na itinatag ng Samahang Pandaigdigan ng Qur’an at Sunnah na kaakibat ng Samahan ng Mundo sa Muslim.

Ang Sentro ng Qur’anikong mga Pag-aaral at Pananaliksik ng unibersidad ay nakipagtulungan sa pagdaraos ng programang pang-edukasyon.

Si Khalid Abdul Kafi, kinatawan ng kalihim-heneral ng bahagi ng pang-agham at pang-edukasyon ng samahan, ay nagsabi na ang kabuuang 187 na mga tagapagturo sa unibersidad mula sa buong bansa ng Aprika ay lumahok sa kurso.

Kabilang sa dalawang araw na programa ang 15 na mga talumpati na iniharap sa Arabo at Ingles na wika, idinagdag niya.

Nabanggit ni Abdul Kafi na kabilang sa mga layunin ng kurso ay ang pagbubuo ng isang pangkat ng mga mananaliksik at kilalang mga tao ng akademiko na interesado sa nasabing mga paksâ.

Ang mga kumukuha ng kurso ay nakatanggap ng mga sertipiko sa pagtatapos ng programang pang-edukasyon.

 

http://iqna.ir/en/news/3469119

Name:
Email:
* Comment: