IQNA

15:15 - September 08, 2019
News ID: 3000918
Kinilala ang Vigan bilang isa sa mga kaakit-akit na lugar sa buong Asya Kasama ang lungsod sa “13 of the most picturesque towns in Asia” list ng CNN Noong 2014 ay napili ang Vigan na mapabilang sa New7Wonders Cities

Kabilang sa listahan ng labintatlong (13) kaakit-akit na mga lugar sa Asya ang Vigan City sa Ilocos Sur na isang UNESCO World Heritage City na itinatag ng mga Kastila noong 1572.

Ikinagalak ng Department of Tourism (DOT) ang pagkakabilang ng Vigan City sa “13 of the most picturesque towns in Asia” na ginawa ng CNN, isang TV channel na naka-base sa Atlanta, Georgia sa Amerika.

Inilarawan ng CNN ang Vigan City bilang isa sa pinakamagagandang lugar kung saan maaaring maranasan ang ganda ng mga sinaunang arkitektura na itinayo noong panahong sakop pa ng España ang Pilipinas.

Ayon pa sa CNN, matatagpuan ang karamihan ng Spanish-era buildings sa paligid ng Plaza Salcedo, kabilang na ang St. Paul’s Cathedral na unang itinayo noong 1641. Binanggit din ang Calle Crisologo na sinasabing isang “must-visit area” sa lungsod.

Makikita naman daw ang mga pang-araw-araw na eksena at ang maraming pagkain na ibinebenta sa Vigan Public market.

Sinabi ng DOT  na dahil sa cultural heritage at mga pagkaing mabibili sa Vigan City kaya karapatdapat itong makasama sa listahan.

“The City of Vigan’s heritage, the Hispanic architecture, and the food make it a picture–perfect site and deserving of the spot in the CNN’s list,” sabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Ang Vigan umano ang best-preserved model ng isang Spanish colonial town sa buong Asya. Noong 2014 ay napili ang lungsod bilang isa sa New7Wonders Cities.

“The CNN citation of the City of Vigan means that sustainable tourism is not just about environmental protection but also the preservation of the country’s history and culture,” sabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Bukod sa Vigan, kabilang sa listahan ng 13 of the most picturesque towns in Asia ay ang Hoi An sa Vietnam, Yufuin sa Japan, George Town sa Malaysia, Luang Prabang sa Laos, Kampot sa Cambodia, Phuket Town sa Thailand, Sai Kung sa Hong Kong, Zhouzhuang sa China, Kota Gede sa Indonesia, Galle sa Sri Lanka, Mawlynnong sa India, at Ghandruk sa Nepal.

Source :

CNNPNA

https://news.definitelyfilipino.net/posts/2019/09/

Name:
Email:
* Comment: