IQNA

8:48 - October 17, 2021
News ID: 3003266
TEHRAN (IQNA) - Ang ika-35 na edisyon ng Pagpupulong na Pandaigdigan ng Islamikong Pagkakaisa na gaganapin sa pagkakaroon ng tao na pakikilahok ng halos 50 na bilang na bantog na mga tao, sinabi ng isang opisyal.

Si Hojat-ol-Islam Hamid Shahriari, ang kalihim heneral ng World Forum for Proximity of Islamic Schools of Thought (WFPIST) [Pandaigdigang Talakayan para Mapalapit ang Islamikong mga Paaralan ng Pag-iisip], ay nagsabi sa IQNA sa isang pakikipanayam ng mga peryodista dito sa Tehran noong Sabado na ang pandaigdigang kaganapan ngayong taon ay magsisimula sa Martes, Oktubre 19.

Sinabi niya na sa pagpapatuloy ng mikrobyong korona na pandemya, napagpasyahan nito na takdaan ang bilang ng mga tao sa antas ng mga Mufti at kilalang mga tao mula sa mga bansang Islamiko ang lumahok sa pagpupulong sa taong ito at sa susunod.

Sinabi niya na magkakaroon din ng mga panauhin na dumalo sa birtuwal na pagpupulong.

Sinabi pa ni Hojat-ol-Islam Hamid Shahriari na ang salawikain ng ika-35 na edisyon ay "Islamikong Pagkakaisa, Kapayapaan at Iwasan ang Hindi Pagkakasundo at Labanan sa Mundong Muslim".

Dahil sa mga problema at mga pangyayari na kinakaharap ng mundo ng Muslim, katulad ng mga giyera, pagdanak ng dugo at mga gawa ng terorismo, pinili ng WFPIST ang "Digmaan at Makatarungan na Kapayapaan" bilang pangunahing tema ng pagpupulong sa taong ito, dagdag ng kleriko.

Ang Palestine at Islamikong Paglaban; Islamikong kapatiran at labanan ang terorismo; paggalang sa isa't isa sa pagitan ng Islamikong mga paaralan na pag-iisip; at Ummah Wahida (nagkakaisang pamayanan) at isang unyon ng mga bansang Islamiko ay kabilang sa mga paksa ng talakayan, sinabi ni Hojat-ol-Islam Shahriari.

Sinabi din niya na ang pangulo ng Iran at tagapagsalita ng parlyamento ang siyang mangangasiwa sa pagbubukas at pagsasara ng mga seremonya ng 6 na araw na pagpupulong.

Ang ika-34 na edisyon ng pagpupulong ay ginanap sa birtuwal noong nakaraang taon dahil sa pandemya.

Mahigit sa 160 na mga banyagang tagapagsalita mula sa 47 na mga bansa pati na rin ang 120 na mga tanyag na Iraniano ang nagbigay ng mga talumpati sa video-pagpupulong.

Ang ika-17 na araw ng Rabi al-Awwal, na bumagsak sa Nobyembre 3 ng taong ito, ay pinaniniwalaan ng Shia na mga Muslim na markahan ang kaarawan ng kapanganakan ni Propeta Muhammad (SKNK), habang itinuturing ng Sunni na mga Muslim ang ika-12 na araw ng buwan bilang kaarawan ng huling Propeta.

Ang agwat sa pagitan ng dalawang mga petsa ay ipinagdiriwang bawat taon bilang Linggo ng Islamikong Pagkakaisa.

Ang Yumaong Tagapagtatag ng Islamikong Republika ng Iran na si Imam Khomeini (RA) ay idineklara ang pagdiriwang bilang Linggo ng Islamikong Pagkakaisa noong 1980.

 

 

3476061

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: