IQNA – Nagbalik ang Palestinong putbol noong Biyernes na may kasamang kompetisyon sa mga samahan sa nasasakupang West Bank, Gaza Strip at mga kampo ng mga taong takas sa Lebanon matapos ang halos tatlong taong suspensyon dahil sa digmaang pagpatay ng lahi ng Israel.

Inorganisa ng Samahang Putbol ng Palestino ang kompetisyong pinamagatang “Kopa ng Libong mga Bayani,” kung saan sabay-sabay na ginanap ang mga pambungad na laban sa tatlong mga lugar kabilang ang West Bank, Gaza Strip at mga kampo ng mga taong takas sa Lebanon.
Umaabot sa 244 na mga samahan mula sa West Bank, Gaza at diaspora ang lumalahok.
Ang bunutan para sa grupong-yugto ay sabay-sabay na ginanap sa iba't ibang mga sangay ng asosasyon noong Setyembre 1. Pinangalanan ng asosasyon ang kompetisyon bilang pag-alaala sa mga atletang Palestino na pinatay ng Israel noong digmaan nito sa Gaza Strip.
Sinabi ni Mustafa Siyam, kalihim-heneral ng Samahan ng Media sa Palakasan ng Palestino, na ang kompetisyon ay nagmamarka ng pagbabalik ng aktibidad sa palakasan pagkatapos ng mahigit tatlong mga panahon ng suspensiyon.
Sabi niya, tinarget din ng digmaan ang mga atletang Palestino at imprastraktura ng palakasan, at mahigit 1,000 na mga atleta, kabilang ang mga manlalaro, tagasanay at tagahatol, ang namatay.
Ang paligsahan ay ipinangalan sa mga bayani ng kilusang pampalakasan, bilang pagpupugay sa kanilang katapatan at sakripisyo, sani ni Siyam. Ang paglulunsad nito ay kumakatawan sa "isang mensahe na ang buhay pampalakasan ay bumabalik na, kahit na sa limitadong paraan lamang."
Ang pagbabalik ng mga laban sa Gaza ay may partikular na kahalagahan dahil sa malawakang pagkalugi ng tao at materyal na dulot ng mga isport ng Palestino simula nang ilunsad ng Israel ang digmaan nito sa lugar noong Oktubre 2023.
Sa West Bank, ang kompetisyon ay kasunod din ng suspensiyon ng mga paligsahang local sa loob ng tatlong mga panahon dahil sa patuloy na paglala ng sitwasyon sa Israel, na alin naglimita sa kakayahan ng mga samahan at manlalaro na magsanay, maglakbay, at regular na magdaos ng mga laban.