IQNA

17:19 - September 06, 2026
کد خبر: 3010051

Nagtapos ang Ika-17 Kurso sa Pagbigkas ng Quran sa Dagestan ng Russia

IQNA – Ang seremonya ng pagtatapos ng ika-17 kurso sa pagsasanay sa pagbigkas ng Quran sa tag-init ay ginanap sa makasaysayang lungsod ng Darband sa Republika ng Dagestan, Russia.

17th Quran Recitation Course Concludes in Russia’s Dagestan

Ang seremonya ay dinaluhan ni Eldar Ibrahimov, pinuno ng Institusyong Pangkultura ng Imam Hussein (AS).

Ang kurso sa pagsasanay ay ginanap na may layuning bigyang kapangyarihan ang mga kabataan sa wastong pagbigkas ng Quran at pagpapalalim ng kanilang kaalaman sa banal na mga aral.

Malawakan itong tinanggap ng mga pamilyang Dagestani at nagtapos nang may kahanga-hangang tagumpay.

Sa seremonya, pinahahalagahan ni Ibrahimov ang mga pagsisikap ng mga guro at ang suporta ng mga magulang, at sinabing ang edukasyon sa Quran ng mga batang henerasyon ay isa sa pangunahing mga misyon ng Institusyong Pangkultua ng Imam Hussein (s.k.n.k.) sa rehiyon ng Caucasus.

“Sa kabutihang palad, ngayong taon, 75 na mga estudyanteng tinedyer, na may huwarang pagtitiyaga, ang nagtagumpay sa pagtatapos ng kursong ito at nakatanggap ng mga sertipiko ng merito.”

Dagdag pa niya, ang Darband, bilang isa sa pinakamatandang mga base ng kabihasnang Islamiko sa Russia, ay palaging sentro ng mga aktibidad na Quraniko, at ang pagdaraos ng mga kursong ito ay isang mabisang hakbang sa pagpapalakas ng pagkakakilanlang pangrelihiyon ng batang salinlahi ng Dagestan at pagpapalaganap ng kulturang Quraniko sa buong rehiyon ng Caucasus.

Sa pagtatapos ng seremonyang ito, bukod sa pagbibigay ng mga sertipiko sa lahat ng 75 matagumpay na mga kalahok, bawat isa sa kanila ay binigyan din ng isang mahalagang kopya ng Banal na Quran bilang paalaala upang ang makalangit na aklat na ito ay palaging maging gabay nila sa landas ng buhay.

 

3498898

captcha