IQNA

19:28 - September 07, 2026
کد خبر: 3010053

Inilunsad ang Napataas na Bersyon ng Mushaf Qatar Digital App

IQNA – Isang pinahusay na bersyon ng digital application na Mushaf Qatar ang inilunsad sa bansang Arabo sa Golpong Persiano.

Upgraded Version of Mushaf Qatar Digital App Launched

Isang pinagsamang plataporma na nakatuon sa paglilingkod sa Banal na Quran sa pamamagitan ng pagbigkas, pagsasaulo, at pagmumuni-muni, ito ay inilunsad ng Kagawarn ng mga Kaloob at Islamikong mga Gawain (Awqaf) ng Qatar.

Ang paglulunsad ay bahagi ng mga pagsisikap ng kagawaran na isulong ang digital na pagbabago alinsunod sa estratehikong plano nito at mga layunin ng Pambansang Pananaw ng Qatar 2030.

Ang napataas na aplikasyon ay nag-aalok ng iba't ibang masulong na digital na mga serbisyo at mga tampok, kabilang ang isang " Matalinong Katulong sa Quran" na nagbibigay-daan sa mga gumagamit na maghanap ng mga kahulugan, humiling ng mga pagpapakahulugan ng mga talata at makatanggap ng mabilis at madaling makuhang mga sagot sa mga tanong na may kaugnayan sa Quran.

Nagbibigay din ito ng isang pinagsamang sistema para sa pagsasaulo at pagrerebisa, na may mga kagamitang nagbibigay-daan sa mga gumagamit na subaybayan ang kanilang pag-unlad talata por talata, ayusin ang mga plano sa pagrerebisa at subaybayan ang kanilang mga nagawa, na tumutulong sa pagtataguyod ng pagiging pare-pareho sa pagsasaulo ng Quran.

Kasama rin sa aplikasyon ang isang komprehensibong aklatan ng audio at pagpapakahulugan, na nagbibigay-daan sa mga gumagamit na makinig sa kumpletong pagbigkas ng Quran ng nangungunang mga mambabasa mula sa buong mundo ng Islam pati na rin ng mga mambabasa ng Qatar.

Nagtatampok din ito ng malawak na pagtipon ng makapangyarihang mga komentaryo sa Quran, kabilang ang mga gawa ni Al-Tabari, Ibn Kathir at Al-Qurtubi.

 

3498920

برچسب ها: Banal na Quran mushaf  Qatar 
captcha