IQNA

20:27 - September 09, 2026
کد خبر: 3010064

Binuksan sa Mekka ang Pandaigdigang Pagtitipon Tungkol sa mga Himala sa Siyensiya sa Quran at Sunnah

IQNA – Isang “Pandaigdigang Pagtitipon sa mga Himala sa Siyensiya sa Quran at Sunnah” ang inilunsad sa banal na lungsod ng Mekka noong Lunes.

Int’l Forum on Scientific Miracles in the Quran and Sunnah Opens in Mecca

Si Mohammed Al-Issa, ang kalihim-heneral ng Muslim World League (MWL) at tagapangulo ng Organization of Muslim Scholars, ang nagpasinaya sa akademikong kaganapan.

Binuksan ito sa punong-tanggapan ng MWL sa Mekka sa harapan ng isang kilalang grupo ng espesyalistang mga iskolar mula sa buong mundo ng Islam:

Bilang bahagi ng pagtitipon, inilunsad din ang MWL Ensiklopedya ng mga Himala sa Siyensiya sa Quran at Sunnah.

Ito ang unang interaktibo na digital na ensiklopedya ng agham sa uri nito, na makukuha sa 10 mga wika.

Ang ensiklopedya ay binubuo ng 500 sinuri ng mga kapwa na siyentipikong mga papel sa pananaliksik na sumasaklaw sa 7,500 na mga pahina sa 15 na mga tomo, na sinusuportahan ng 2,000 mataas na resolusyon na mga imaheng siyentipiko, 2,000 mataas na kalidad na maiikling siyentipikong mga bidyo, at 4,000 na mga ugnayan (link) sa kapani-paniwalang mga website na pang-agham at sinuri ng mga kapwa na siyentipikong pahayagan.

Sa pagtatapos ng paglulunsad, pinarangalan ang ilang mga iskolar na nakapagbigay ng natatanging kontribusyon sa agham sa pananaliksik at mga pag-aaral tungkol sa mga himalang siyentipiko.

 

3498940

captcha