IQNA

10:04 - September 03, 2018
News ID: 3000050
TEHRAN (IQNA) - Ang Swiss Center for Islam and Society ay nagpahayag ng pagsisimula ng isang programa sa pagsasanay na maghahanda sa mga pinunong espirituwal na Muslim upang magbigay ng emerhensiyang tulong doon sa mga hospital, at mga bahay-aalaga o pagkatapos ng aksidente.

Ang pangangailangan para sa kuwalipikadong Muslim na mga pare sa mga pampublikong institusyon ay nadarama ng ilang taon sa Zurich. Upang punan ang puwang na ito, ang Swiss Center for Islam and Society nagsabi na nag-aalok ito ng patuloy na kurso sa pag-aaral - na itinatag nang sama-sama sa kanton - simula ng Sabado.

Ang kurso na “Chaplaincy and Accompaniment in an Interreligious Context” (Pagkapare at Pagsaliw doon sa Inter-relihiyoso na Konteksto) ay mayroon ding pagtangkilik sa dalawang opisyal ng mga simbahan sa Zurich at isang payong katawan ng grupo ng mga organisasyong Muslim.

Ang layunin ay upang sanayin ang anim na kababaihan at anim na kalalakihan, kuwalipikado sa Islamikong teolohiya o Islamikong mga pag-aaral, upang samahan ang mga pasyenteng Muslim sa pagkabalisa o sa katapusan ng buhay.

Ang hinaharap na Muslim na mga pare ay sasailalim ng pang-seguridad na pahintulot at interno sa mga pampublikong institusyon, katulad ng mga hospital.

http://iqna.ir/en/news/3466674

Name:
Email:
* Comment: