IQNA

19:51 - November 04, 2018
News ID: 3000180
TEHRAN (IQNA) - Inutusan ng Panlalawigang Nangangasiwa na Hukuman ng Songkhla ang babaeng Muslim na mga mag-aaral na pahintulutang magsuot ng Hijab (belo) sa Anuban Pattani na Paaralan sa nakararami na Muslim na lalawigan ng Pattani sa timog Thailand.

Itinataguyod ang karapatan ng mga estudyante na magsuot ng alinsunod sa kanilang mga paniniwala sa relihiyon, ang korte noong Oktubre 29 ay nagbigay ng isang kautusan laban sa pagbabawal ng paaralan sa mga Hijab (belo), bilang tugon sa isang reklamo na inihain ng 20 na mga magulang.

Sinabi ng mga magulang na ang kanilang mga anak na babae ay pinarusahan ng pagkawala ng mga puntong pang-asal-pag-uugali dahil nagsusuot sila ng mga Hijab (belo).

Matatagpuan sa loob ng isang Buddhista monasteryo sa distrito ng Muang Pattani, ang Anuban Pattani na Paaralan ay itinuturing ang belo ng Muslim bilang na isang paglabag sa kodigo ng kasuotan.

Ang mga tagapangasiwa nito ay nagbanggit ng isang kamakailang patakaran mula sa Ministri ng Edukasyon na kinakailangan sa mga paaralan na ipatupad ang kanilang mga kasuotan na mga kodigo.

Ang isyu ay naging paksa sa mainit na pagtatalo na nakaraang mga buwan. Noong Mayo, ang Kinatawan ng Ministri ng Edukasyon ng Thailand na si Lt-General Surachet Chaiwong namagitan upang pigilan ang pagkakagulo na tumaas tungkol sa kodigo ng damit.

Ang utos ng administratibong hukuman ay maaari pa ring hamonin. 

Pinagmulan: nationmultimedia.com

http://iqna.ir/en/news/3467137

Name:
Email:
* Comment: