IQNA

7:01 - February 02, 2019
News ID: 3000352
DAMASCUS (IQNA) – Ang Syriano na opisyal ng ministeryo ng Pagkakaloob (Awqaf) nagsabi na ang pakikibaka para sa kapakanan ng Palestine ay muling binuhay salamat sa Imam Khomeini (RA) at sa Islamikong Rebolusyon ng Iran.

Ayon sa IQNA na paghatid, nagsasalita sa isang programa na ginanap sa Damascus upang ipagdiwang ang ika-40 na anibersaryo ng tagumpay ng Islamikong Rebolusyon, si Nabil Suleiman nagsabi na ang natatanging katangian ng Imam Khomeini (RA) ay kadahilan na ang Sambayanang Muslim nakamit ang pagkakaisa tungkol sa mga isyu tulad ng Palestine.

Gayundin, idinagdag niya, na ang kilusan ni Imam Khomeini (RA) ay nagbunga ng paglaban na samahan sa rehiyon at makikita sa ngayon sa mundo ang mga katuparan.

Sinabi niya na ang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon Ayatollah Sayyid Alī Khamenei ay sumusunod sa parehong landas.

Ang Iraniano na sambayanan ay ibinagsak ang rehimeng Pahlavi na sinusuportahan ng US 40 taon na ang nakalilipas, ang nagtapos sa 2,500 na taon ng monarkik na pamamahala sa bansa.

Ang Islamikong Rebolusyon na pinangunahan ni Imam Khomeini ay nagtatag ng isang bagong sistema na ng pulitika batay sa Islamikong mga kahalagahan at demokrasya. 

http://iqna.ir/fa/news/3786246

Name:
Email:
* Comment: