Ang sa ngayon na aralin ay natatangi sa pagpapaliwanag ng katibayan sa pagpatunay sa pagkakaroon ng Panginoon. Ang bawat batayan sa pagkakaroon ng Panginoon ay malinaw na isyu at hindi na kailangan pa ng katibayan. Subalit para sa mga tao na nangangailangan sa itong larangan o kayâ humaharap ng mga katanungan na kung saan ay kailangan ng kasagutan o kayâ gusto ng karagdagang katiyakan sa kanyang sariling pusô at sa itong paraan kukuha ng lalong maraming kaalaman, ang pagbibigay ng katibayan ay maging mabuti.
Para sa pagpatunay sa pagkakaroon ng Panginoon maraming mga paraan ang dadaanan at maraming katibayan ang ipinapaliwanag. Iilan sa mga pilosopong Muslim ginagamit ang “Katibayan na Maaari ang Mundo” [Dalīl Imkān ‘Ālam] sa ganitong kahulugan na ang pagkakaroon ng mundo ay kinakailangan ba [wājib] o maaari [mumkin]. Pagkatapos ng pangatwiran na ang bawat maaari [mumkin] ay nangangailangan ng pagkakaroon na kinakailangan [wājib] na magkakaroon. At sa itong paraan dumating ang pagpatunay sa pagkakaroon na kinakailangan [wājib]. Mga teologong Muslim sa karaniwan papasok sa paraan na “Nilikhâ ang Mundo” [Ḥudūth ‘Ālam] na kung saan ang mundo ay nilikhâ at ang bawat nilikhâ ay nangangailangan ng walang hangganan na Tagapaglikhâ, at ang Panginoon ay iyon na ang Tagapaglikhâ na walang- hangganan.
Ikatlong katibayan: Pansinin ang “Kaayusan” [Naẓm] at “mga mahihirap na unawain sa pagkakaroon ang itong mundo” na kung saan iyon ay magpakilala sa “ganap na pagkalikhâ”. Ikaapat na daan; ang pagkilos na katibayan [burhān ḥarakat] na kung alin ay tinatalakay sa mga mahilig ng kalikasan na mga tao. Ang ikalimang daan ay ang daan ng likas na katangian at pusô na kung alin nalalaman at naniniwala sa Panginoon doon sa loob na bahagi at kalikasan na bahagi sa buod ng bawat tao na kung saan ang bawat tao pumapansin ng kaunti, sa itong paniniwala marating na itong mundo ay mayroon na Panginoon. Ikaanim na daan; ang batayan ng mga ‘urafā’ na kung saan sa kanilang pananaw ang pagkakaroon ng Panginoon ay maliwanag na kalagayan at hindi na kailangan pa ng katibayan. Sapagkat ang maliwanag na kalagayan [amr badīhī] ay hindi kailangan ng katibayan at hindi dapat patunayan iyon ng katibayan. Itong mga daan ang bawat isa sa kanila ay mayroong mga kalamangan, mayroong mga hamon at mga suliranin na kung saan ipapaliwanag ng kabuuan.
Ang kalamangan sa daan ng pagsasaksi [shuhūdī], paglalakbay at pag-uugali [sayr wa sulūk] at katiyakan sa pusô na pagkilala sa iyon na kung saan ang tao ay mayroong isang daan na porsiyento [100%] na katiyakan at magpalakas doon sa paniniwala ng tao. Ngunit ang kanyang problema ay ganito na hindi maaaring ilipat at ituturo sa ibang tao. Ang isang tao na kung saan katulad sa itong paksâ sa pagkakaroon ng Panginoon na maramdaman lamang sa loob ng sarili at nasasaksihan ng tao sa kanyang pusô, ay hindi maaaring ililipat ang karanasan na nasasaksihan sa kanyang puso para doon sa ibang tao. Dahil doon, manatilî ito na sariling katibayan at maaaring tatanggapin lamang para sa kanyang sarili. Subalit ang ibang daan katulad ng katibayan ng kaayusan ay maaring ililipat at ituturo sa ibang tao. At para sa mga tao na kung saan mayroon lamang na katamtaman ang mga kaalaman ay maaaring maunawaan at maintindihan ito.
Ang daan ng kaisipan ay daanan na mahirap na kung alin ay ipinapaliwanag sa iba’t-ibang paraan. At kalamangan sa iyon ay ganito na kung saan ang mga pambungad sa iyon ay kinakailangan [ḍarūrī], permihan [dā’imī] at panlahat [kullī]. At wala talagang pagkakataon na magkakaroon ng kasalungatan at kakulangan sa iyon. At sa pag-uunawa at pag-iintindi sa katibayan ng kaisipan ang tao ay magkaroon ng isang daang porsiyento [100%] ng katiyakan at paniniwala. Ngunit ang problema sa katibayang pangkaisipan ay ganito na ang bawat tao ay walang kakayahan sa pag-uunawa sa pamamagitan ng paggamit ng kaisipan. Sapagkat kailangan na magkaroon muna ng mga pambungad sa kaalaman ng pilosopiya at kaisipan na kung saan ang pag-uunawa sa iyon ay kailangan ng karanasan kung paano ang pag-iisip at ang lakas ng pag-uunawa. Ang tao dapat na malaki ang pagsisikap at pagtitiyaga upang makamtan ang dapat marating.
Mapansin na ang pangkalahatang layunin sa itong pananaliksik na ang pinakamabuting daan ay umaasa doon sa ‘kaayusan ng mundo’. Para maging ganap itong pagtatalakay ay tatalakayin din ang isang kaisipan at pilosopiya na katibayan. At ang mga taong mananaliksik maaari na sumangguni sa may kaugnayan na mga pinagmumulan upang pag-aralan at saliksikin ang ibang katibayan.
1.Katibayan ng Kaayusan
Katulad sa binanggit na sa inyo ang pagpapatunay sa pagkakaroon ng Panginoon ay tinatalakay sa iba’t-ibang mga daan na kung saan ang bawat isa sa kanila ay tinatalakay ng detalyo sa tamang pagkakataon. Bago pa bigyan ng pagkakataon ang katibayan ng kaayusan o kaya simpleng daan sa pagkilala ng Panginoon, dapat na ituturo itong punto na kung alin ang mga pambungad na mga katibayan sa pagpatibay ng pagkakaroon ng Panginoon, ang lahat ay pangkaisipan. Sa ganito na kahulugan na ang lahat na mga pambungad na katibayan ay kinuha galing sa mga pag-uunawa ng kaisipan, at sa iyon ay hindi gumamit ng pandamdam na mga kasangkapan. O kayâ doon sa bahagi galing sa mga katibayan sa iilan na mga pambungad na katibayan ay gumamit din galing sa mga natuklasan ng pandamdam. Ang katibayan na kaayusan ay ikalawang bahagi lamang at ito ay pinakasimple na katibayan sa pagpatunay sa pagkakaroon ng Dakilang Panginoon. Sapagkat maaari na gagamitin iyon (na katibayan) doon sa mga taong katamtaman ang kakayahan sa pag-uunawa.
1.Mga Katangian sa Katibayan ng Kaayusan
Ang pangunahin na katangian ng katibayan ng kaayusan ay ganito na hindi nangangailangan pa ng teknikal at mahihirap unawain na mga pambungad. Ang mga pambungad sa iyon ay simple, madali na makamtan at maaaring maunawaan sa mga taong mayroong katamtaman ang kaalaman.
Ikalwang katangian sa katibayan ng kaayusan ay ganito na kung saan ang pagtanggap sa iyon ay hindi lamang mapatunayan ang pagkakaroon ng Panginoon ngunit mapatunayan din ang kaalaman at karunungan ng Panginoon. Sa kalagayan na ang iilan sa mga katibayang pangkaisipan ay hindi nagkakaroon sa ganitong katangian.
Ikatlong katangian sa katibayan ng kaayusan ay ganito na kung saan itong katibayan ay binigyan din ng pansin sa ibang mga relihiyon at mga mażhab. Mga dalubhasa, palaisip na mga Kristiyano, Hudeyo at gayundin ang mga iskolar ng Shī’ah at Ahlu–Sunnah nagsisikap na makakuha ng mabuting resulta sa katibayan ng kaayusan. At iyon ay ipinapaliwanag ng karamihan sa makabago at nararapat na panitikan.
Ikaapat na katangian sa katibayang kaayusan ay ganito na binigyang pansin din sa Maluwalhating Qur’an at mga salaysay ng mga Imām (s.k.n.k.). Ang mga Imām (s.k.n.k.) sa kanilang pagtatalakay sa pagsagot sa mga katanungan, sila ay gumamit sa pangatuwiran galing sa nangingibabaw na kaayusan ng mundo sa iba’t-ibang larangan. At doon man sa pagtatalakay binigyan ng pansin ang kakayahan sa kaharap na panig doon sa pagpasok at paglabas sa tinatalakay na paksâ. Sa kabuuan maaaring masasabi na lalong mabuti ang katibayan ng kaayusan alinsunod sa iba’t-ibang mga pangatuwiran kaysa ibang mga katibayan na pangkaisipan.
2. Ano ang Kaayusan [Naẓm]?
Ang unang tanong tungkol sa katibayan ng kaayusan ay ganito na ano ang ibig sabihin ng kaayusan [naẓm]? Ang kaayusan ay palaging ginagamit doon sa mga bagay na binubuo at mayroong mga bahagi. At doon sa kasabihan na iisa at simple ay hindi maaaring magagamit. Ang katotohanan ng kaayusan, paano ang katangian at uri ng pagkabuo at maraming kaurian ng pagkabahagi ay isang kabuuan na kalagayan na kung alin sila ay magkakasundo na maaari na ang kanilang kabuuan na mga layunin ay matamo. Bilang isang halimbawa ang aklatan na maayos, masasabi na aklatan kung ang mga aklat kaugnay sa isang paksâ nakalagay doon sa mga aparador na tiyak na kaugnay sa kanyang paksâ. Halimbawa sa mga aklat kaugnay sa pananampalataya, kasaysayan, tafsīr at hiyograpiya nakalagay ang lahat ng sunod-sunod sa mga istante na kaugnay sa kanilang sarili. Sa ganitong aklatan madaling matagpuan sa mga taong sumangguni ang gusto nilang hinahanap at magagamit nila ng mabuti iyon. Ang hangarin ng pagkakaayos na katibayan ng kaayusan ay ganito ang kahulugan, na kung saan kung titingnan ng mabuti itong kaayusan ng mundo. Halimbawa magtingin sa mga kalangitan at mga kalupaan, mag-isip ng malalim sa pagkakaroon ng gabi at araw, mag-isip sa magandang mga bulaklak at mga kahoy at kung iisipin ng mabuti ang mga mahihirap na pagkakaroon ng tao. Ang lahat ay alinsunod sa batayan ng matatag na kaayusan at hindi makikita ang katiting na katiting na bagay na walang kaayusan doon sa iyon.
3. Ang Pagpapaliwanag sa Katibayan ng Kaayusan
Mga Islamiko at hindi-Islamiko na mga iskolar itong katibayan ay inulat sa iba’t-ibang mga pamamaraan. Itinatalakay ng iilan sa pamamagitan ng pag-iisip ang katibayan ng kaayusan doon sa mga pagbubuo at pagkakaroon ng sistema. Pangkat ay itinatalakay ang katibayan ng kaayusan galing sa paraan na binubuo sa mahiwagang patnubay ang mga nilikhâ ng mundo. Ang iilan naman ay mula sa mga iskolar ng teolohiya itong katibayan sa paraan ng paglalahad ng mga pangyayari at makikita sa mundo, na kung saan ang mundo ay binilang na katulad ng isang aklat na mayroon na mga kabanata, mga pangungusap, mga salita at mga letra na kung titingnan ng mabuti ay nagkaugnayan silang lahat at nagkakaisa ng isang layunin. Kung titingnan ng mabuti itong aklat makikita na hindi pagkakataon ang pagkakaroon sa mga letra at ibang mga gawain sa itong aklat. At ang bawat makatarungan na tao kung mananaliksik sa aklat makapagsabi siya na itong aklat ay sinulat sa pamamagitan ng isang taong marunong at matalino. Sa pananaw doon sa mundo ay ganon din ang makikita na kalagayan na nasa talikuran sa itong mundo mayroon na isang Tagapag-ayos na Makatarungan na kung saan ang bawat bagay ay inilagay ang kanyang sarili sa magandang pook at ang bawat bagay ay nilikhâ sa natatanging hangarin.
Hanggang sa pook na magbibigay ang kasaysayan ng kaalaman, mula sa unang araw nagkakasama ang jins nar (lalaki na bagay) at mādeh (babae na bagay) doon sa tao, sa kahayupan at sa mga halaman at nagkakasama rin sa pagsisikap para magpapatuloy at magpapalaganap ng salinlahi. Paano matatanggap ng kaisipan na pagkakataon lamang ang jins nar (lalaki na bagay) at mādeh (babae na bagay) at nilikhâ ng walang anumang layunin lamang at sa kalagayan na pagkakataon ang pagsama-sama ng pagpatuloy at pagpalaganap ng henerasyon? Naniniwala kami na itong kaayusan ay mayroong talagang namamahala na ang gusto ay hindi masisirâ itong palatuntunan ng henerasyon ng tao at ibang mga kahayupan. Sa gayon, itong layunin at natatanging karunungan ay nagkakaisa doon sa jins nar at mādeh. Ang pagkakaroon ng kaayusan at mahirap isipin na kaayusan sa pagitan ng pagbibigay ng gatas ng ina at pagsususo ng sanggol, sa paraan na sa panahon ng ipinanganak ang sanggol, ang suso ng ina ay punong-puno ng gatas at kaagad ang bata ay kukunin niya sa kanyang bunga-nga ang suso ng kanyang ina at magsimula sa pagsuso sa suso ng ina. O kaya ang bubuyog na sumisikap na lilipad sa panahon ng umaga sa bawat araw at babalik ng gabi upang makagamit galing sa pinakamabuting bulaklak na magbibigay ng pulot-putyukan. Maliban sa kanila mayroon pa na maraming halimbawa sa itong mundo na ang lahat magbibigay ng palatandaan na hindi pagkakataon ang pagkagawa sa mga nilikhâ, mga kaugalian at kanilang mga ginagawa.
Kung titingnan natin ang malalaki at kilala na mga lungsod na nandoon ang malawak at mahaba na mga lansangan, magagandang mga park, malalaking mga gusalî, pagkakaroon ng kaayusan sa pagparating ng kuryente, tubig at iba pa, walang malusog na kaisipan ang maniniwala na itong mga lungsod ay pagkakataon lamang na dahan-dahan sa kanyang sarili na lumabas. O kaya, ang lahat na mga kalye, mga park at mga lansangan sa itong lungsod ay mabilang na pagkakataon naisagawa na walang anumang plano at walang anumang pananaw ng natatanging mga layunin. Ang lahat makaunawa na sa likuran sa itong mga plano, kaayusan at kagandahan ay mayroon na mga inhinyero at mga batid na mga magpaplano na kung saan ang mga gawain ay pinaplano kasama ang layunin na maayos ang paglalakbay at malusog na pamumuhay para sa mga mamamayan.
Para maliwanagan ng mabuti ang ugnayan ng kaayusan at Tagapag-ayos, isang katanungan sa ibang paksâ sa ganitong paraan ang pagtatalakay kung saan ba tayo kukuha ng mga kaayusan, kabatiran at natatangi na katangian ng isang tao? Sa anong kadahilanan na tayo ay maniniwala na ang ganitong tao ay dalubhasa o kaya itong tao ay mabuting hurista [faqīh] o kaya itong tao ay mayroon na bihira na kahusayan sa panitikan?
Ang sagot ay ganito na ang kabatiran, kagalingan at kahiligan ng tao ay makikita sa pagsasaliksik sa kanyang mga naisagawa. Halimbawa, Ṣāḥib Jawāhir ay nakilala dahil sa kanyang aklat na Jawāhir at si Sa’adī na hurista at mabuting manunula ay nakilala dahil sa kanyang aklat na Golestān at Bustān. Katulad din na alituntunin na mayroong kalagayan na kaayusan ang itong mundo. Kung titingnan ng mabuti ang pagpalit-palit ng gabi at araw at mga panahon ng taon o kaya ang pagtingin sa pagkakaroon ng kaayusan na namamahala sa katawan ng tao ay marating ang katiyakan na nasa likuran sa itong kaayusan at kababalaghan ay kailangan talaga na mayroong namamahala, Siya ay marunong at makapangyarihan na gumawa at iyon Siya ay si Allāh.
Ang pagpapaliwanag ng katibayan na kaayusan sa pamamagitan ng simple at maikli na paglalahad ay ganito: na walang pag-alinlangan na mayroong talagang kaayusan ang mundong ito. Ang bawat kaayusan ay sa pamamagitan ng Tagapag-ayos, sa ganon ang ganap na kaayusan ng mundo sa katiyakan ay magpapatibay na mayroong nasa likuran na Tagapag-ayos sa itong kaayusan at iyon ay ang Dakilang Allāh.
Para mapatunayan ang kaalaman, kapangyarihan at karunungan ng Dakilang Panginoon sa pamamaraan ng kaayusan ay maaari na ganito ang pagpapatunay: Sa mundo ay mayroon na kaayusan at sa bawat kaayusan mayroon na Tagapag-ayos na marunong [ḥakīm], makapangyarihan at matalino. Bakit? Sapagkat ang taong walang karunungan, walang kapangyarihan at walang kaalaman ay wala siyang kakayahan na maaaring mamamahala ng kaayusan. Sa ganon, ang Tagapag-ayos sa itong mundo ay makapangyarihan, marunong at matalino.
Sa hangarin na maganap ang katibayan ng kaayusan, tungkol sa kaayusan sa itong mundo, may paksâ na isinalaysay mula sa aklat “Rūz Āfarīnes Insān”[1] na isinulat sa isa sa mga marunong na taga-kanluran: ‘Sumakatuwid, nakita natin sa nakalipas na mga pahina na ang mundo ay nailikhâ na ang bawat bagay at nailagay sa kanyang sariling pook. Sa totoo ang kabilogan ng planeta (mundo) ay ganon na kalaki ang kinakailangan. At ang kalalim ng mga karagatan sa ganon na kalagayan, sapagkat kung mas lalong malalim pa sa karaniwan niyang kalagayan, ang hangin ay hindi aabot doon sa mga nilikhâ na buhay sa ilalim ng dagat at hindi tutubo ang ibang halaman sa ibabaw ng lupa kung doon mataas na pook. Ang planeta ay umiikot ng isang beses sa dalawamput apat na oras sa bawat araw at kung itong kalagayan ay hahaba pa, ang buhay sa ibabaw ng lupa ay hindi maaari. Ang kalakas ng pag-ikot ng mundo doon sa araw kung masyadong mabilis o kaya lalong mahina sa kanyang kasalukuyang kalagayan ngayon, ang buhay sa itong mundo ay hindi magkakaroon o kung magkakaroon man ng buhay ang kasaysayan ng kalendaryo sa iyon ay iba sa ito ngayon.’
Ganon pa man ating sinabi na mayroon na libo-libong araw doon sa sandaigdigan na kung saan itong araw na mayroong sinag na tayo ay gumamit sa iyon na panalangin ng kabuhayan, sapagkat iyon lamang ang nag-iisa na kalaki na kabilogan, mahamoy na hangin sa kapaligiran sa iyon at kalakas ng mga kailawan sa iyon ay bagay sa ating pamumuhay sa mundo. Gayundin na ating makikita ang karami at uri sa pagkakaroon ng mga gas doon sa hangin ay ganap at katamtaman na kung itong pagkakabagay ay mapalitan ng kaunting pagbabago ay mawawala ang buhay sa ibabaw ng mundo. Iyon ay iilang mga punto lamang na ipinapaliwanag namin sa nakalipas na mga kabanata mula sa paksâ na lalong-lalo na sa pisikal na mga kalagayan ng mundo. Sa panahon na ating titingnan ang kalaki ng mundo at kalagayan niya sa kalawakan at alisin natin sa pananaw ang mga kaayusan na kababalaghan na kung saan makikita doon. Ating (makikita na kung) ipalagay itong mga kaayusan na alinsunod sa pagkakataon [itifāq] lamang, dumating sa isang milyon na pagkakataon, iisang pagkakataon ang mangyari at ang kabuuan sa iyon mayroon na mga bilyong pagkakataon ang kinakailangan. Sa ganitong paraan makikita ang lupa (mundo) at palatandaan ng buhay sa iyon ay hindi talaga maaari na ikasatuparan ang mga batas na kaugnay sa pagkakataon lamang. Lalong kataka-taka na ang pagkakasundo ng tao kasama ang likas na mga kadahilanan at ang pagkakasundo ng kalikasan kasama ang tao. Pagkatapos mula sa isang madaliang pag-aaral doon sa mga pag-uunlad ng kalikasan ay malalaman na pagkatapos sa lahat na itong mga pagsa-saayos, kaayusan at mga pagkasunod-sunod na hangarin at lihim na layunin. Ang Mataas na Makapangyarihan na ating tinatawag na “Panginoon” itong hangarin ay isagawa sa pamamagitan ng tamang palatuntunan at sa maayos na panahon.
Sa simpleng salita, ipinapaliwanag na kung ang bahagi ng katawan ng tao, katulad ng halimbawa; ang mata, tainga, dila at ang hindi makikita na daang mga selulang buhay, ang lahat magbibigay ng katibayan na hindi pagkakataon ang pagkakaroon at ang buong pagkakaroon ng mga kaayusan doon sa katawan ng tao ay hindi maikasatuparan kung walang Tagapag-ayos. Ngunit ang resulta mayroon talaga na Tagapag-ayos sa lahat na kaayusan at pagkasunod-sunod. Katulad ng halimbawa sa isang aklat, mula sa bilang ng mga pahina hanggang sa mga letra, mga salita at pagsa-ayos ng pahina at iba pa. Wala talagang tao na malusog ang kanyang kaisipan na tumanggap na ang aklat na kanyang tinutukoy ay lumabas lamang sa kanyang sarili. Halimbawa ang hangin ay nagkakataon ng epekto sa lapis na sumulat doon sa mga pahina ng papel at ang resulta nagkaroon ng mga salita sa giliran doon at sa giliran din ng mga salita ay nailikhâ ang aklat sa ganitong kagandahan.
Sa panahon na ang malusog na kaisipan ay hindi tatanggap sa pagkakataon [itifāq] sa ganitong pagkalikhâ ng aklat, paano paniniwalaan ang resulta sa itong kaayusan na hindi nagkakaroon ng Tagapag-ayos na makatarungan, marunong at makapangyarihan? Sa walang pag-alinlangan ang mga taong malusog ang kanilang kaisipan kung mag-aral ng kaunti tungkol sa pagkakaroon ng mundo at mag-isip tungkol sa isa’t-isa na mga bahagi ay makapaniwala na sa likuran ng pagkakaroon ay hindi talaga nagkakaroon iyon sa kadahilanan sa epekto ng pagkakataon lamang.
Ang bunga sa itong pagtatalakay ay ganito na kung saan ang pagkakaroon ng kaayusan sa itong mundo at makikita ang kabuuan na ugnayan sa iyon, ganito ang mangyayari na resulta kung kukunin ang isang bahagi mula sa mga bahagi sa itong mundo, bilang na halimbawa na isang linggo ang araw ay hindi sumilang (lumabas) o kaya sa katawan ng tao na hindi makasalita ang dila, ganap na maramdam ang pagbabago ng kalikasan at kakulangan ng tao. Dahil dito, kung ating pag-aralan ang bawat bagay na nabubuo (ng mga bahagi) sa itong mundo ganito ang ating marating na ang buong mga bahagi sa mundo ay nabubuo na mayroon na ugnayan, kaayusan at isang layunin.
Pagkatapos sa panahon na ang isang aklat ay hindi pagkakataon ang kanyang pagkakaroon, sa walang pag-alinlangan ang mundo sa ganitong kagandahan, ang tao sa ganitong pagkakomplikado, ang mundo sa ganito na kalaki ay hindi maaari talaga na pagkakataon itong kanyang pagkakaroon, sa ganon dapat tatanggapin na ang nag-iisang Panginoon ay marunong, makapangyarihan at nakakaalam sa lahat na darating na pangangailangan, sa bawat inunan (plasenta) doon sa katawan ng ina kung ano ang mahalagang bahagi katulad ng mata, tainga, dila, paa at iba pa at iyon ay Kanyang inaalagaan. At sa pamamagitan ng tiyak na pag-iisip maaaring sasabihin na ang pagkakaroon ng kaayusan sa bawat tao kasama ang bawat timbang mula sa kaalaman at pagbabantay ng mabuti, matitiyak na itong kaayusan ng mundo ay palatandaan na mayroon na Tagapag-ayos na marunong, makapangyarihan at nakakaalam sa lahat na Siya ay ang Tagapaglikhâ sa lahat.
Kinuha sa aklat ng “Ṣirāṭ Mustaqīm” ni Shaykh Muḥammad Hādī Nabawī at isinalin sa wikang Pilipino ni Montazer R. Bongalon.